Taumbayan, hinimok na manindigan para buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 552 total reads

Umaapela ang mga Obispo ng Simbahang Katolika sa mga mananampalataya na makiisa sa isasagawang simultaneous Walk For Life, o sabay-sabay na paglalakad para sa pagtataguyod ng buhay na isasagawa sa iba’t-ibang Diyosesis sa Pilipinas.

Binigyang diin ng mga Obispo ang kahalagahan ng pakikiisa sa Walk for Life upang maipabatid sa pamahalaan na maraming Filipino ang patuloy na naninindigan sa kasagraduhan ng buhay.

Ayon kay Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco, marami sa kasalukuyan ang nagiging biktima ng karahasan at kawalan ng katarungan kaya mahalagang mayroong manindigan upang ipaglaban ang karapatan sa buhay ng bawat tao.

“Kailangan lagi natin ipagtanggol ang buhay ng tao ang kanyang dignidad, marami ang biktima ng karahasan at kawalan ng katarungan, [kaya dapat] ipagtanggol ang buhay mula sa sinapupunan hanggang kamatayan.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco sa Radyo Veritas.

Binigyang diin naman ni Archdiocese of Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas – dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, na tungkuling iniatas sa bawat tao ang pangangalaga sa buhay.

Sinabi ng Arsobispo na ito’y biyayang ipinagkaloob ng Diyos na nararapat na protektahan at itaguyod ng mga tao.

“We are here because God has given us life and because God has given us this life, it is our duty to protect it.” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Villegas.

Naniniwala naman si Diocese of Imus Bishop Reynaldo Evangelista na sa pamamagitan ng Walk for Life ay maipakikita ang paninindigan ng simbahan at ng bawat tao para sa biyaya ng buhay mula sa sinapupunan hanggang sa pagtatapos sa natural na kamatayan.

“Ating ipagtanggol ang buhay at ating pangalagaan ang buhay mula sa sinapupunan hanggang sa ang buong sambayanan ay maitaguyod ito.” Mensahe ni Bishop Evangelista.

Ang Walk For Life 2019 ang ikatlong taon ng pagsasagawa ng naturang pagtitipon sa pangunguna ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Sa inisyal na pagtataya umabot na sa 4,390 ang mga kumpirmadong lalahok dito subalit inaasahang aabot sa 10,000 ang mananampalatayang dadalo sa mismong araw ng pagtitipon.

Sa Metro Manila, isasagawa ang Walk for Life sa Quezon Memorial Circle na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa Northern Luzon ay kasabay na magsasagawa nito ang Archdiocese of Lingayen, Dagupan sa St. John the Evangelist Cathedral, at ang Diocese of Tarlac sa Tarlac City Plazuela.

Ang mga mananampalataya naman ng Archdiocese of Cebu ay magtitipon-tipon sa Fuente Osmeña Circle patungo sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Isasagawa naman sa tatlong lugar ng Palo Metropolitan Cathedral, Ormoc City at Palompon Leyte, ang Walk for Life sa Archdiocese of Palo.

Samantala, sa bahagi ng Mindanao, ay pangungunahan ng Archdiocese of Cagayan De Oro ang pagtitipon ng mga mananampalataya sa Provincial Capitol Grounds, Cagayan De Oro City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 55,144 total reads

 55,144 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 104,398 total reads

 104,398 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 152,269 total reads

 152,269 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 256,218 total reads

 256,218 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 339,540 total reads

 339,540 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 41,993 total reads

 41,993 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,873 total reads

 34,873 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top