EDSA Shrine, pinaghahandaan ang 30-taong dedikasyon ng Dambana ng Mahal na Ina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,319 total reads

Hindi mawawala sa kultura ng bansa ang pananalangin at paghiling ng kapayapaan sa pamamagitan ng Mahal na Ina na itinuturing na reyna ng kapayapaan.

Ayon kay Rev. Fr. Arnel Calata Jr. – Vice Rector ng Shrine of Mary, Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine, hindi basta mawawala sa kultura ng mga Filipino ang pananalangin para sa kapayapaan ng bayan sa pamamagitan ng Mahal na Ina.

“Hindi maluluma at hindi mawawala sa atin bilang isang bansa ang paghiling sa kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin ng ating Mahal na Ina ang Reyna ng Kapayapaan…” pahayag ni Fr. Calata Jr. sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, inihayag ng Pari ang paghahanda ng Simbahan para sa ika-30 taong anibersaryo ng dedikasyon bilang Dambana ng Mahal na Ina bilang Reyna ng Kapayapaan.

Naitatag ang EDSA Shrine noong December 15, 1989, tatlong taon matapos ang EDSA People Power Revolution kung saan naging matagumpay ang tinaguriang “bloodless revolution”.

Nanaig ang pananalangin at pagkakaisa laban sa banta ng karahasan at panganib na dulot ng diktaduryang Marcos at Batas Militar.

Ang Pilipinas na may higit sa 80-porsiyento ng mga Katoliko ay kilala sa pambihirang pagtatangi sa Birheng Maria na tinatawag din bilang Pueblo Amante de Maria kung saan maraming parokya sa bansa ay nakatalaga sa Mahal na Ina.

Batay sa tala mahigit sa 10 ang matatagpuang pambansang dambana ng Mahal na Inang Maria mula sa 17 Ecclesiastical Provinces o 86 na diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 79,947 total reads

 79,947 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 127,507 total reads

 127,507 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 175,378 total reads

 175,378 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 279,326 total reads

 279,326 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 361,717 total reads

 361,717 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top