Mananampalataya, hinimok ng CBCP na humingi ng kapatawaran sa Panginoon ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 647 total reads

Hinimok ng Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na makiisa sa mga gawain ng Simbahan sa panahon ng Kuwaresma.

Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles, mahalagang makibahagi ang mananampalataya sa paggunita sa panahon ng Kuwaresma upang ganap na maging handa sa pagdiriwang ng pagtatagumpay ni Hesus sa pagtubos ng sanlibutan.

“My brothers and sisters let us avail the season of grace during Lent so that we would be really prepared into the joyous season of Easter,” pahayag ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na ito ang pagkakataon na pagnilayan ng bawat isa ang mga nagawang paglabag sa kalooban at kautusan ng Panginoon at humingi ng pagpatawad.

Iginiit ni Archbishop Valles na mahalagang kilalanin ng tao ang mga pagkakasalang nagawa upang mapagkalooban ng Diyos ng pagpapatawad na hihilom sa pusong pinanahanan ng Panginoong Hesus.

“This is a season that would prepare us deep in our hearts for the coming celebration of Easter, the Paschal mystery, the passion, death and resurrection of Jesus that brought us salvation,” dagdag ng Pangulo ng CBCP.

Inaanyayahan ni Arhcbishop Valles ang bawat isa na dumalo sa mga Banal na Eukaristiya sa ika – 6 ng Marso, ang Miyerkules ng Abo na hudyat ng pagsisimula sa panahon ng Kuwaresma.

Ang panahon ng Kuwaresma ay ang apatnapung araw na paghahanda sa paggunita ng Mahal na Araw.

Sa panahon ng Kuwaresma, pinaalalahanan ng Simbahan ang mananampalataya sa pagtitika at pag-aayuno kung saan ginugunita rin ng 1.2 bilyong Katoliko sa buong mundo ang mga sakripisyo ni Hesus sa disyerto.

Sinabi pa ni Archbishop Valles na ang pagpapahid ng abo sa noo ng mga tao ay paalala sa pagpapanibago ng tao mula sa pagiging makasalanan.

“The imposition of ashes on ash Wednesday remind us the need of conversion, the need to go back to the Lord, the grace of conversion and the grace of forgiveness and mercy of God” paliwanag ng Arsobispo.

Bukod dito ay pinaalalahanan din ang bawat isa na isagawa ang corporal works of mercy tulad ng pagpapakain sa mga nagugutom, pagdalaw sa mga may sakit, bilanggo, paglibing mga namatay, pagpainom sa mga nauuhaw, at pagtanggap sa walang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 78,464 total reads

 78,464 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 126,103 total reads

 126,103 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,974 total reads

 173,974 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,922 total reads

 277,922 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 360,376 total reads

 360,376 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top