Simbahan, hindi tinatalikuran ang mga eskandalong kinakaharap ng mga Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 500 total views

Tuwirang pagharap sa eskandalo, pag-amin sa kalabisan at pagtugon ng simbahan ang bunga ng katatapos lamang na Summit on Protection of Minors sa Vatican.

Ang pagtitipon ay dinaluhan ng Kaniyang Kabanalan Francisco kasama ang mga pangulo ng Episcopal Conferences at mga eksperto.

Si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang kinatawan ng Pilipinas at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na naimbitahan naman bilang isa sa tapagsalita sa pulong.

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., ang pulong ay pagpapatunay na hindi tinatalikuran ng simbahan ang mga ulat ng pang-aabuso.

“Unang magandang bunga ay hinaraharap ng tuwiran ang problema hindi itinatago. Inaamin na merong mga pagkukulang, kalabisan na ganyan. Ang ikalawa, ang nakatutuwa ay humahanap naman ng paraan hindi lang para maremedyuhan yung nangyari kundi para mapigilan na lumaganap ang ganiyang pangyayari sa simbahan. Yun ang nakikita kong purification na nagiging resulta at magiging bunga ng nangyari,” ayon kay Bishop Bacani.

Layunin din ng pulong na makagawa ng mga hakbangin upang hindi na maulit pa ang pang-aabuso lalu ng mga pinunong lingkod ng simbahan.

Sa naging pahayag ni Cardinal Tagle, ang hindi pagtugon sa mga ulat ng pang-aabuso ay isang pagtatakip at pagkukunsinti sa mga nagkakasala.

“Pero aaminin ko na malaking damage ‘yan sa simbahan. Talagang nasugat ng husto. Si Cardinal Tagle sinabi rin nya ‘yan na parang pagpako sa krus sa ating Panginoong Hesuskristo. This is really evil, mabuti at hinaharap ng simbahan,” ayon pa sa Obispo.

Una nang hinatulang nagkasala ng hukuman si US Cardinal Theodore McCarrick at Australian Cardinal George Pell dahil sa kaso ng pang-aabuso.

Sa Pilipinas nahaharap naman sa parehong kaso ang isang pari mula sa Diocese ng San Carlos dahil sa pang-aabuso sa isang apat na taong gulang na bata.

Tiniyak ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na hindi kokunsintihin at pagtatakpan ang nagawang pagkakamali ng Pari.

Read: Walk the talk, tiniyak ng Diocese of San Carlos

Ang akusadong pari ay isinasailalim sa pastoral care bilang paghahanda sa kaniyang sarili sa pagharap sa kaso at pag-uusig ng hukuman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 12,226 total views

 12,226 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 86,840 total views

 86,840 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 166,919 total views

 166,919 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 210,058 total views

 210,058 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 210,398 total views

 210,398 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top