Pagtatayo ng Kaliwa ng dam, hindi papayagan ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 370 total views

Naninindigan ang mga residente sa lalawigan ng Quezon sa pagtutol sa pagtatayo ng Kaliwa dam.

Ito ang binigyang diin ni Infanta Bishop Bernardino Cortez.

Tiniyak ni Bishop Cortez na mahigpit na tutulan ng mga residente ng Quezon at Diocese ng Infanta na maisakatupan ang proyekto dahil sa dulot nitong panganib sa kalikasan at sa mga naninirahan sa lugar.

“Matagal nang sinasabi sa’min ‘yan na done deal na para sabihing pumayag na kami. Hindi kami pumapayag. Patuloy kaming luluhod sa Diyos at mas makapangyarihan ang sa taas. Ang Diyos ay nakikinig sa daing ng mga dukha at mahihirap, mga inaapi,” ayon kay Bishop Cortez sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Hamon din ng obispo sa mga nagsusulong nang pagtatayo ng dam na subukang manirahan sa kanilang lugar upang makita ang kanilang kalagayan.

“Basta ang sinasabi lang namin, kung may konsensya sila, pakinggan nila ang kanilang konsensya,” ayon pa kay Bishop Cortez.

Una na ring imunungkahi ang pagtatayo ng Kaliwa dam bilang tugon sa kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Palaguin at alagaan ang mga gubat

Ito ang isa sa nakikitang solusyon ni Bishop Cortez bilang tugon sa kakapusan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

“Ang pinakamagandang solusyon, ang source ang ayusin natin. ‘Yung natural source na aalisin mo ‘yun, ‘wag mong aalisin ang gubat. Doon nagmumula ang tubig. Ang gubat ang nakakakuha ng ulan. Ang gubat ang nag-iexplore ng tubig.Ang gubat ang may i-stock-an. ‘Pag inalis mo ‘yung mga puno, Ang laki nung na-damage at alam na namin dito, kapag bagsak ‘yung Infanta, kapag tag-init maski kami hirap. Ang ibig ko lang sabihin, ayusin natin ang natural na pinagmumulan,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Cortez.

Iginiit ng Obispo na ang kagubatan at mga puno ang natural na imbakan ng tubig kaya’t ang pagkakalbo ng mga kagubatan ang dahilan ng tagtuyot.

Ang dam ay popondohan ng salaping inutang mula sa china na magtatapos sa taong 2023.

Ayon sa ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco, tungkulin ng pamahalaan at ng mamamayan na magtulungan para sa pangangalaga sa kalikasan kung saan dapat laging isaalang-ang ang makabubuti para sa lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 81,277 total views

 81,277 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 124,885 total views

 124,885 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 207,319 total views

 207,319 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 218,278 total views

 218,278 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 9,361 total views

 9,361 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top