Kababaang loob, susi sa tunay na pagbabago

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 443 total reads

Maging mapagpakumbaba at patuloy na umasa sa Panginoon.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales sa mga mananampalataya sa pagdiriwang ng ika-25 taon ng simbahan ng Santissima Trinidad sa Malate.

Sa pagninilay ni Cardinal Rosales, sinabi nito na hindi magbabago ang isang tao nang hindi pa ito nakararanas ng pagkapahiya.

Gayunman, iginiit ng Kardinal na tanging kababaang loob ang susi sa tunay at buong pusong pagbabago ng isang tao.

“We cannot change without being humiliated. Bahagi ng pagbabago na mapahiya tayo…You cannot repent without being humble.” pagninilay ni Cardinal Rosales.

Ipinaalala ng Kardinal na ang Diyos ay Panginoon na nagbibigay ng walang hanggang pagkakataon sa mga nagnanais magbalik loob.

Ipinaliwanag nito na hindi hinuhusgahan at pinarurusahan ng Diyos ang taong paulit-ulit na nagkakasala.

Bagkus sa kabila ng pagkalimot, pagtalikod, at pagkakasala ay nananatili pa rin ang pag-ibig ng Panginoon sa bawat isa.

“To know this God, who is good, who is God and above all He loves you. Never mind kahit ganyan ka, you will change but God never change in His love for you.” Dagdag pa ni Cardinal Rosales.

Taong 1994 nang maitatag ang simbahan ng Santissima Trinidad sa Malate.

Ngayong 2019 ika-25 ng Marso ipagdiriwang ng simbahan ang kanilang 25th Silver Jubilee na may temang, “Dalawampu’t limang taong pag-alala sa Dalawampu’t limang taong pagpapala.”

Pinangunahan naman ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang 25th Silver Jubilee Thanksgiving Mass ng Santissima Trinidad Parish.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 213,605 total reads

 213,605 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 248,278 total reads

 248,278 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 264,178 total reads

 264,178 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 300,668 total reads

 300,668 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 306,591 total reads

 306,591 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 384,500 total reads

 384,500 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top