ACN Phils nakikiisa sa biktima ng pagsabog sa Sri Lanka

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 614 total reads

Nagpaabot ng panalangin at pakikidalamhati ang Aid to the Church in Need (ACN) Philippines sa magkakahiwalay na pagsabog sa Sri Lanka na kumitil sa buhay ng mahigit sa 200-katao.

Ayon kay ACN Philippines National Director Jonathan Luciano, isang karuwagan ang pagpapalaganap ng karahasan at takot na tanging bumibiktima ng mga inosente.

Umapela si Luciano sa mga mananampalataya na ipanalangin ang kapakanan at kaligtasan ng mga Katoliko’t Kristyano na patuloy na nakakaranas ng pang-aabuso at pag-uusig dahil sa kanilang paniniwala at pananampalataya.

Apela pa ni Luciano, nawa ay mapukaw ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ang puso at isip ng lahat upang ganap na magkaisa para sa iisang layunin na maging katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Ito ayo sa obispo ay sa kabila ng mgabanta ng karahasan na dulot ng mga pag-uusig sa mga mananampalataya.

“We should not stop praying for Christians who are persecuted for their faith. And inspired by the message of hope especially today that we celebrate Christ’s triumph over sin and death, we should be in solidarity with the suffering Church and do all we can to support them through our prayers and acts of generosity,” ang bahagi ng pahayag ni ACN Philippines National Director Jonathan Luciano sa panayam sa Radyo Veritas.

Batay sa inisyal na ulat, sampung araw bago ang insidente ng mga pagsabog sa mga Simbahan at mga Hotel sa Sri Lanka noong Easter Sunday ay may nakuha ng intelligence report ang mga otoridad kaugnay sa planong magkakahiwalay na mga pag-atake sa bansa.

Ang ACN Philippines ay bahagi ng Pontifical Foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need (ACN) na naitatag noong 1947 bilang isang Catholic aid organization na kinilala bilang Papal Foundation noong 2011 na nagbabantay sa iba’t ibang kaso ng pang-aabuso sa mga migrants at refugees at maging sa mga kaso ng religious persecution sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa Center for the Study of Global Christianity, simula taong 2005 hanggang 2015 umaabot na sa higit 900,000 ang mga binyagan na pinaslang o katumbas ng 90,000 Kristiyano ang pinapatay kada taon.

Batay naman sa datos ng Center for New Religions mahigit sa 90,000 Kristyano ang napaslang noong 2016 na katumbas sa pagkamatay ng isang Kristyano sa loob ng kada 6 na minuto.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 5,962 total reads

 5,962 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 40,893 total reads

 40,893 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 125,258 total reads

 125,258 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 162,632 total reads

 162,632 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 193,890 total reads

 193,890 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 264,893 total reads

 264,893 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 34,512 total reads

 34,512 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top