Cardinal Tagle, nag-alay ng panalangin sa nakatakdang Midterm elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 352 total views

Nag-alay ng panalangin ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa nalalapit na 2019 Midterm Elections sa ika-13 ng Mayo.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, pinasalamatan nito ang kalayaan at responsibilidad na biyaya ng Panginoon sa mga tao at ang pagkakataong gamitin ito sa pagboto.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang kalayaan at responsibilidad sa pagboto ang sumasagisag sa pagkalinga ng mamamayan sa lipunan, dignidad ng buhay at ng kalikasan.

“Salamat na kami ay may pagkakataon na gamitin ang aming kalayaan at responsibilidad sa pamamagitan ng pagboto. Ito po ay sagisag ng aming pagkalinga sa bayan na sa iyo rin naman nagmula. Ito ay sagisag ng aming pananagutan na itaguyod ang kabutihan ng lahat ng mamamayan. Itaguyod ang dignidad, buhay at pati ang kalikasan.” Pahayag ni Cardinal Tagle sa Radyo Veritas.

Nanawagan din si Cardinal Tagle na nawa ay huwag sirain ng tao ang dangal sa pagboto ng kanyang kapwa o kanyang sarili.

Ipinaalala ng Kardinal na matapos gampanan ng bawat mamamayan ang kanilang tungkulin sa pagpili ng karapat-dapat na pinuno ay mahalagang magpatuloy pa rin ang pagkalinga ng bawat isa sa bayan bilang isang mabuting Kristiyano at mamamayang bahagi ng lipunan.

“Kami po nawa ay maging responsable, ang aming dangal ng pagboto ay huwag naming sisirain at pagkatapos ng aming pagpili sa mga karapatdapat na pinuno, patuloy nawa naming kalingain ang aming bayan bilang mabubuting Kristiyano at mamamayan.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Panalangin ni Cardinal Tagle

“Minamahal naming Diyos ng aming buhay at kasaysayan, nagpapasalamat po kami, kami’y iyong nilikha na mayroong kalayaan at dangal. Salamat din na kami ay may pagkakataon na gamitin ang aming kalayaan at responsibilidad sa pamamagitan ng pagboto.

Ito po ay sagisag ng aming pagkalinga sa bayan na sa iyo rin naman nagmula. Ito ay sagisag ng aming pananagutan na itaguyod ang kabutihan ng lahat ng mamamayan. Itaguyod ang dignidad, buhay at pati ang kalikasan.

Humaharap po ang bayang Filipino sa isa na namang eleksyon. Kami po nawa ay maging responsable, ang aming dangal ng pagboto ay huwag naming sisirain at pagkatapos ng aming pagpili sa mga karapatdapat na pinuno, patuloy nawa naming kalingain ang aming bayan bilang mabubuting Kristiyano at mamamayan. Hinihiling po namin ito sangalan ni Kristong aming Panginoon, Amen.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 3,796 total views

 3,796 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 78,410 total views

 78,410 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 158,489 total views

 158,489 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 201,628 total views

 201,628 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 202,562 total views

 202,562 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,253 total views

 347,253 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top