Obispo sa mga botante, ihalal ang mga kandidatong handang magsakripisyo sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 449 total views

Muling nagpaalala ang pinunong pastol ng Diyosesis ng Bataan sa mga Filipinong makikilahok sa nalalapit na halalan na maging mapanuri at pagnilayan ang mga taong ihahalal na nararapat mamuno sa bayan.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI), mahalagang taglayin ng mga kandidatong iboboto ang mga katangian ni Hesus na handang magsakripisyo para sa nasasakupang mamamayan.

Sinabi ni Bishop Santos na dapat alalahanin ng mahigit sa 60 – milyong botante si Hesus sa pagpili ng mga mamumuno sa bayan sapagkat Siya ang pinakakonkretong halimbawa ng mabuting Pastol na gumagabay sa kawan.

“With our national and local elections remember WWW, that is, Walk with Jesus, Write with Jesus, and Work with Jesus,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Una nang pinaalalahanan ni Bishop Santos ang mahigit sa 1.8 milyong Overseas Filipino Workers na nakiisa sa absentee voting na piliin ang mga kandidatong tunay na kakatawan ng kanilang sektor sa pamahalaan.

Bukod dito, mahalaga ring matiyak ng mga botante ang kandidatong pipiliin ay may tunay na hangaring maglingkod sa bayan at uunahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa sa pairalin ang personal na interes.

Sa pagninilay ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle sa pagtitipon ng Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) noong ika – 4 ng Mayo, ipinaliwanag nito ang tunay na kahulugan ng pulitika na ibig sabihin ay pangangalaga sa isang komunidad at sa mamamayan.

Read: Mga Layko, inanyayahang isabuhay ang pulitika sa paraan ni Hesus

Sa pagdiriwang ng Simbahang Katolika ng Pilipinas sa Year of the Youth, hinamon nito ang mga kabataan na aktibong makilahok sa pagpili ng mga mamumuno sa bayan dahil sa tala ng Commission on Elections higit sa 20 – milyon ang mga kabataan na boboto sa darating na midterm elections.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 125,759 total views

 125,759 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 250,170 total views

 250,170 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 289,666 total views

 289,666 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 362,373 total views

 362,373 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top