Payo ng Obispo sa mga botante, huwag ihalal ang magaling magnakaw, magsinungaling at pumatay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,972 total reads

Gamiting basehan sa pagpili ng iboboto sa nalalapit na halalan ang mga kandidatong Magaling, Mabuti at Mabait.

Ito ang paalaala ni Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa may 60 milyong botante na makikibahagi sa halalan sa Lunes, ika-13 ng Mayo 2019.

Paliwanag ng Obispo, kinakailangan ng bansa ang pinunong may kakayahan sa posisyon na hinahangad; nagtataglay ng kabutihan bilang taga-sunod ng Panginoon at mabait o may malasakit sa kapwa.

“Kung walang kakayahan kahit gaano ka-gwapo, kahit gaano ka-popular ay huwag mo nang iboto. Kahit naman sa pagpili ng driver hindi mo pipiliin ang driver dahil lang sa gwapo kundi dahil sa marunong magmaneho,” ayon kay Bishop Bacani.

Binigyan diin ng Obispo na hindi dapat maluklok sa puwesto o iboto ang mga kandidatong magaling magnakaw, magaling magsinungaling at magaling pumatay.

“Dapat na mabuti, may prinsipyo, maka-Diyos. Kaya ito makakatulong, ihambing natin sa 10 utos ng Panginoon, baka nga magaling ‘yun pala ay magaling magnakaw, magaling magsinungaling, magaling pumatay.” paalala ng Obispo

Iginiit ni Bishop Bacani na dapat ding suriin ng mga botante sa mga kandidato ang paninindigan sa same sex marriage, divorce at death penalty.

Naunang naglabas ng panuntunan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa mga botante sa nakatakdang 2019 midterm elections na may titulong ‘Seek the Common Good’.

Ang mga usapin na hindi katanggap-tanggap sa Simbahan ang pagsusulong na gawing legal ang abortion, divorce at same sex marriage.

PAGPAPATULOY NG VOTERS EDUCATION

Iminungkahi naman ni Bishop Bacani ang pagkakaroon ng tuloy-tuloy na voters education na dapat bigyang tuon ng simbahan mayroon man o walang halalan.

“Yung voters’ education should be continuing. Kanya ang aking mungkahi ano mang mangyari sa election na ito, tuloy ang voters education at gawing permanenteng parte ng pagtuturo sa ating mga katoliko. Sapagkat napakalaki talaga ng kakulangan sa pagtuturo nyan, hindi naikokonekta ng maraming katoliko ang kanilang pagiging mabuting katoliko sa pagiging mabuting mamamayan lalu na sa pagboto,” ayon kay Bishop Bacani.

Inamin ng Obispo na malaki ang kakulangan sa pagtuturo ng tamang pagpili ng iboboto na nakaugnay sa ating pananampalataya bilang mabuting mamamayan.

Iginiit ng Obispo na pangunahing dapat isaisip ng mamamayan ang prinsipyo ng common good o ang kabutihang pangkalahatan at hindi ang pansariling kapakinabangan.

Sa mga lumalabas na pag-aaral o political survey, nanatiling nangunguna ang mga pulitikong naharap sa kasong katiwalian, korupsyon at bahagi ng dinastiya.

Nilinaw naman ni Bishop Bacani na walang command voting ang charismatic group na El Shaddai sa ginawang pag-endorso sa may 12 kandidato.

Inihayag ng Obispo na ito ay pawang mga suhestiyon lamang at hindi utos na kailangan sundin ng bawat kaanib ng charismatic group.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 12,086 total reads

 12,086 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 49,372 total reads

 49,372 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 275,642 total reads

 275,642 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 169,109 total reads

 169,109 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 262,541 total reads

 262,541 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top