Ilagan diocese, aktibo sa paglaban sa kagutuman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 561 total views

Aktibo ang Diocese of Ilagan Isabela para labanan ang kagutuman sa bansa.

Ayon kay Sr. Mary Peter Camille Marasigan, Coordinator ng Hapag-Asa feeding program ng Diocese, maliban sa pagpapakain sa mga batang may edad 5 taon pababa na kulang sa timbang, may especial feeding program din sila sa mga kabataan at sa mga senior citizen sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development at sa Asissi Development Foundation.

Sinabi pa ni Sr. Marasigan, pinaigting nila ang Hapag-Asa feeding program kasama ang Local Government Units (LGUs) at ibat-ibang Non-Government Organization (NGOs) sa diocese matapos ang kanilang summit para labanan ang kagutuman.

“Maganda ang implementasyon ng programa sa pamamagitan ng Hapag-asa feeding program, paano makakatulong to fight for zero hunger… nagsagawa din ang dioces ang Alay Kapwa summit in building pathways for eradicating poverty and malnutrition in the poorest family in integration with the year of family and Jubilee Year of Mercy last February, invited ang iba’t-ibang organization sa Diocese of Ilagan with the LGU’s para magtulong-tulong kami para labanan ang malnutrisyon at may special feeding program kami for youth tie-up with DSWD feeding program for senior citizen sa Assissi Foundation naman naka tie-up.” Pahayag ni Sr. Marasigan sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag ng madre, maliban sa pagpapakain, nagbibigay din sila ng formation training para sa mga kabataan at sa mga magulang ng mga batang sumailalim sa feeding program para sa paghahanda sa livelihood program.

“Hindi lang natatapos sa pagkain it is coupled with formation component and later on kapag may possibility nagkakaroon din sila ng livelihood kaya nakipagtie-up din kami sa DOLE na katuwang namin para makapasok sila sa livelihood at para sa mga magulang nagkaroon kami ng self-help group approach, kung ang anak nila ay gagraduate na after ng implementasyon, tinuturuan silang magkaroon ng hanapbuhay para makatulong sa pagpapatuloy ng magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.” Ayon pa kay Sr. Marasigan.

Ang Hapag-Asa Feeding Program ang maituturing na pangunahing programa ng Pondo ng Pinoy na itinatag ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales noong 2004 upang mangalap ng mga barya para sa mga programa ng Simbahan at hikayatin ang mga Pilipino na mag-impok hindi para sa sarili kundi para tulungan ang kapwa kahit sa maliit na paraan.

Noong 2015 umabot sa 21,000 malnourished na mga bata ang napakain at natulungan ng Pondo ng Pinoy sa loob ng anim na buwan, habang nasa 25,000 o higit pang mga bata ang target nitong matulungan ngayong taon.

Ang Hapag-asa feeding program ng Pondo ng Pinoy ay bilang tulong na rin sa pamahalaan upang maibsan ang kagutuman ng mga mahihirap sa bansa lalo na ng mga bata.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 15,332 total views

 15,332 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 33,132 total views

 33,132 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 33,132 total views

 33,132 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 146,459 total views

 146,459 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 167,749 total views

 167,749 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 1,133 total views

 1,133 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 225,650 total views

 225,650 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top