Si Hesus ang Panginoon at Hari ng mga Hari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 650 total reads

Ito ang binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoong Hesus.

Ipinaliwanag ng Obispo na makabuluhan ang pag-akyat ni Hesus sa langit sa tahanan ng Diyos Ama sapagkat ito ang nagsisilbing tagapamagitan ng sangkatauhan sa Diyos.

“Dapat labis-labis nating ikatuwa ito sapagkat Siya’y umakyat sa langit upang mamagitan; always living to make intercessions for us sa harap ng Diyos Ama,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Bacani na dinidinig ng Diyos Ama ang pagsusumamo ni Hesus kung saan dinadala ang mga panalangin ng sangkatauhan at mabigyan ng katugunan ang bawat hinihiling ng tao.

Nasasaad sa Lucas kabanata 24 talata 50 hanggang 51, inilarawan dito ang pagbabasbas ni Hesus sa kanyang mga alagad kasabay ng unti-unting pag-akyat Niya sa langit habang napuspos ng Banal na Espiritu ang mga alagad nang magbalik sa Herusalem.

Binigyang diin ni Bishop Bacani na sa pag-akyat ni Hesus sa kaharian ng langit at pagluluklok sa kanan ng Ama ay katuparan sa Kanyang pangako na paghahari sa sanlibutan.

“Ikalawa ang ating Panginoon ay umakyat sa langit upang sa ganun ay maghari siya sa buong santinakpan; namatay at muling binuhay ayon sa sulat ni San Pablo sa mga taga Roma upang maging Panginoon ng mga patay at mga buhay,” ani ni Bishop Bacani.

Dahil dito, hinikayat ng Obispo ang 86 na milyong Katoliko sa Pilipinas na makiisa sa pagdiriwang ng Simbahan sa Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ni Hesus sa Langit sa pamamagitan ng pagdalo ng Banal na Misa sa ika- 2 ng Hunyo.(Norman Dequia)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 26,097 total reads

 26,097 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 62,500 total reads

 62,500 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 288,770 total reads

 288,770 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 182,237 total reads

 182,237 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 274,889 total reads

 274,889 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top