Crab mentality ni Tulfo, pinuna ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 512 total reads

Ikinalungkot ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pangmamaliit ni Philippine Special Envoy to China Ramon Tulfo sa mga Filipinong construction workers.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, hinahangaan ng mga dayuhang employer ang mga Filipino sa ibayong dagat sapagkat may tunay na malasakit at dedikasyon ito sa bawat ginagampanang trabaho.

“It is so sad that it is our fellow Filipinos criticizing our OFWs whereas foreign employers believe and has high regards with our OFWs,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Santos na maging siya ay personal na nasaksihan ang kasipagan ng mga Filipino sa ibang bansa sa kaniyang paglilingkod sa Italya ng sampung taon at pangangalaga sa mga migranteng Filipino sa iba’t-ibang dako ng daigdig.

“I can say and attest that our OFWs are most sought, preferred laborers. With it comes with works, they are very efficient and dependent with their works, has initiatives and creative,” dagdag pa ng Obispo.

Inihayag ni Tulfo na tunay na tamad ang mga Filipinong construction workers kumpara sa mga Tsinong manggagawa at mas inuuna ang pagpapahinga at pagsasayang ng oras sa trabaho.

Naninindigan si Bishop Santos sa kakayahan ng mga Filipinong manggagawa partikular na ang mga O-F-W kung saan ipinapamalas ang kanilang talento at talino at nagsusumikap para sa ikabubuti ng kabuhayan ng pamilya sa Pilipinas.

“We, CBCP ECMI, believe so much on the capacity and ability of our OFWs. They are very good, very skilled,” saad pa ni Bishop Santos.

Binatikos naman ng Associated Labor Union – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesperson Allan Tanjusay ang pangmamaliit ni Tulfo sa kakayahan ng mga Filipino.

Read: Kahusayan at kasipagan ng mga manggagawang Filipino, walang katulad

Umaasa si Bishop Santos na alisin nawa ng mga Filipino ang pagiging ‘crab mentality’ na hindi makatulong sa pag-unlad at pagsulong sa kabuhayan ng mamamayan at paglago ng ekonomiya ng bansa.

“Let us place our faith in them, give them chance with works as to prioritize them over all others and surely they will show their true worth,” ayon pa ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 17,009 total reads

 17,009 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 102,999 total reads

 102,999 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 140,371 total reads

 140,371 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 171,631 total reads

 171,631 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 243,687 total reads

 243,687 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top