Coronacion Canonica, iginawad ni Pope Francis sa La Purisima Concepcion de Santa Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,347 total reads

Iginawad ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagkilalang Coronacion Canonica sa imahe ng la Purisima Concepcion de Santa Maria, sa Bulacan.

Ito ay matapos mapatunayan ang malalim at malawak na debosyon ng mga mamamayan na nagpayaman sa kanilang pananampalataya.

Nito lamang ika-28 ng Marso, inaprubahan ng Santo Papa ang dekreto ng pagkilala ng simbahang katolika sa imahe.

Ikalawa naman ng Hunyo nang pormal itong inanunsyo ni Msgr. Ranilo Trillana-Parish Priest ng naturang simbahan, sa mga mananampalataya, kasabay ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon.

Sa kasalukuyan, wala pang nakatakdang petsa para sa pagsasagawa ng Canonical Coronation Rite.

Matatandaang ika-tatlo ng Mayo 2018 nang gawaran ng Coronacion Episcopal ng namayapang Obispo ng Malolos na si Bishop Jose Oliveros ang imahe ng La Purisima Concepcion.

Ang Pilipinas ay tinaguriang pueblo amante de Maria dahil sa masidhing pagmamahal at pamimintuho ng mga Pilipino sa Mahal na Ina.

Sa tala ang Birhen ng La Purisima Concepcion sa Santa Maria, Bulacan ang pang 43 sa mga imahe sa Pilipinas na gagawaran ng Coronacion Canonica.

Kauna-unahang imahe na nakoronahan sa Pilipinas ang Nuestra Señora del Santísimo Rosario de La Naval de Manila noong taong 1907, na ngayon ay nasa Santo Domingo Church.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,587 total reads

 126,587 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,580 total reads

 263,580 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 379,355 total reads

 379,355 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,589 total reads

 494,589 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,317 total reads

 47,317 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,852 total reads

 76,852 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,696 total reads

 69,696 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top