Crab mentality ni Tulfo, pinuna ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 550 total reads

Ikinalungkot ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pangmamaliit ni Philippine Special Envoy to China Ramon Tulfo sa mga Filipinong construction workers.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, hinahangaan ng mga dayuhang employer ang mga Filipino sa ibayong dagat sapagkat may tunay na malasakit at dedikasyon ito sa bawat ginagampanang trabaho.

“It is so sad that it is our fellow Filipinos criticizing our OFWs whereas foreign employers believe and has high regards with our OFWs,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Santos na maging siya ay personal na nasaksihan ang kasipagan ng mga Filipino sa ibang bansa sa kaniyang paglilingkod sa Italya ng sampung taon at pangangalaga sa mga migranteng Filipino sa iba’t-ibang dako ng daigdig.

“I can say and attest that our OFWs are most sought, preferred laborers. With it comes with works, they are very efficient and dependent with their works, has initiatives and creative,” dagdag pa ng Obispo.

Inihayag ni Tulfo na tunay na tamad ang mga Filipinong construction workers kumpara sa mga Tsinong manggagawa at mas inuuna ang pagpapahinga at pagsasayang ng oras sa trabaho.

Naninindigan si Bishop Santos sa kakayahan ng mga Filipinong manggagawa partikular na ang mga O-F-W kung saan ipinapamalas ang kanilang talento at talino at nagsusumikap para sa ikabubuti ng kabuhayan ng pamilya sa Pilipinas.

“We, CBCP ECMI, believe so much on the capacity and ability of our OFWs. They are very good, very skilled,” saad pa ni Bishop Santos.

Binatikos naman ng Associated Labor Union – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesperson Allan Tanjusay ang pangmamaliit ni Tulfo sa kakayahan ng mga Filipino.

Read: Kahusayan at kasipagan ng mga manggagawang Filipino, walang katulad

Umaasa si Bishop Santos na alisin nawa ng mga Filipino ang pagiging ‘crab mentality’ na hindi makatulong sa pag-unlad at pagsulong sa kabuhayan ng mamamayan at paglago ng ekonomiya ng bansa.

“Let us place our faith in them, give them chance with works as to prioritize them over all others and surely they will show their true worth,” ayon pa ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 31,079 total reads

 31,079 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 67,205 total reads

 67,205 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 293,475 total reads

 293,475 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 186,942 total reads

 186,942 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 279,331 total reads

 279,331 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top