Simbahang Katolika, umaasang magdudulot ng pagkakapatiran ang pagtatapos ng Ramadan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 429 total reads

Umaasa ang Simbahang Katolika na ang isang buwang paggunita ng Ramadan ay maging daan ng kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim at iba pang denominasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo.

Ayon kay Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations tulad ng panalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ay magbunga nawa ang pagtatapos ng Banal na Buwan ng Ramadan ng pangkabuuang pagkakapatiran.

Ipinaabot rin ng Arsobispo ang pagbati at pakikiisa sa pagtatapos ng Ramadan at ibinahagi ang panalangin para sa pag-usad ng kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao lalo na sa mga pagbabagong hatid ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

We hope that season of prayer will also bring about what Pope Francis and his counterpart in Abu Dhabi will say ‘we pray for fraternal humanity among all peoples that we are all brothers and sisters under the creator All Mighty God’ so this is our prayer and aspiration as we moved on in Mindanao, we work together for peace and development for everyone, again my greeting to our Muslim brothers and sisters…” pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam sa Radyo Veritas.

Sinabi ng Arsobispo na nakikiisa maging ang mga Katoliko sa layunin ng Banal na Buwan ng Ramadan na panahon ng pagsisisi, pagninilay at panahon ng pananalangin ng mga Muslim.

We greet our Muslims brothers and sisters sa pagtatapos nila ng Ramadan season, it has been a month of prayer and also we pray that we arrive at the genuine development and reconciliation of peoples of Mindanao especially now with the start of the Bangsamoro Autonomous Region in Mindanao…”dagdag pa ni Archbishop Ledesma.

Naunang nagpahayag ang Kanyang Kabanalan Francisco na nawa ay magbunga ng pangkabuuang pagkakapatiran ang paggunita ng Banal na Buwan ng Ramadan o Islamic Holy Month ng mga Muslim.

Batay sa tala, umaabot sa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan mayorya ang mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 14,674 total reads

 14,674 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 100,935 total reads

 100,935 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 138,307 total reads

 138,307 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 169,567 total reads

 169,567 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 241,696 total reads

 241,696 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 32,589 total reads

 32,589 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top