Hamon sa mga guro, itaguyod ang “good news” laban sa fake news

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 518 total reads

Magkaisa at itaguyod ang Catholic Education.

Ito ang panawagan ni Father Nolan Que – NCR Regional Trustee ng Catholic Educational Association of the Philippines sa General Assembly ng Archdiocese of Manila Educational System o RCAM-ES.

Ayon sa Pari, ang pagtuturo ng mga guro ay kinakailangang nakaugat sa misyon ng simbahan na paghahayag ng mabuting balita.

Hinimok ni Father Que ang mga guro na maging kasangkapan upang maiwasan at masawata ang pagkalat ng “fake news” na isa sa mga sumisira sa tao at sa lipunan.

“We have to announce good news. Fake news is never good news. Yung paninira ay hindi na dapat i-like. Kapag may siniraan ang isa, huwag mo nang ipasa sa iba. Otherwise the pain continues.” pahayag ng pari.

Hinikayat din nito ang mga guro na maging saksi at lingkod ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapadama sa mga mag-aaral ng presensya ng Diyos.

Aminado naman si Father Que na sa paggawa nito ay kinakailangan ding dumanas ng paghihirap ang mga guro.

Gayunman, iginiit ng Pari na dahil sa sakripisyo ng pagsisilbi sa mga mag-aaral ay tiyak na papalitan ito ng Diyos ng kaligayahan.

“It is a reminder for all of us that when we bear witness, it is not pain all the time. There are times that there is joy amidst the pain that we bear.” Dagdag pa ng Pari.

Ipinagdarasal naman ng Pari na patuloy na gabayan ng Espiritu Santo ang lahat ng mga guro at ang buong komunidad ng RCAM-ES.

Ang Roman Catholic Archbishop of Manila Educational System ay samahan ng 28 mga Catholic Schools mula sa Maynila, Mandaluyong, Makati at San Juan City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,558 total reads

 21,558 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,309 total reads

 58,309 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,579 total reads

 284,579 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,046 total reads

 178,046 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,915 total reads

 270,915 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,756 total reads

 34,756 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,650 total reads

 27,650 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top