Arsobispo, umaasang hindi maisantabi ang mga katutubo sa development projects ng BARMM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 348 total reads

Umaasa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Mutual Relations na magkaroon ng maayos at patas na implementasyon ang bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Tinukoy ni Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma ang patas na pagpapatupad ng development projects sa mga lugar kung nasaan ang mga minority tulad ng Lumads at iba pang Indigenous people communities sa rehiyon.

Iginiit ng Arsobispo na hindi lamang dapat na tutukan ang kaayusan at pag-unlad ng Muslim communities kungdi maging ng mga minority group.

“Kasama na rin yan yung implementation of development projects especially for the mga minority areas, not only among the Muslim communities but also sa mga Lumads of indigenous people communities sapagkat marami rin ang mga cultural or indigenous people communities in Mindanao…” pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam sa Radyo Veritas.

Naninindigan ang Arsobispo na mahalagang mapabilang ang lahat ng mga taga-Mindanao sa pagsusulong kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon.

Ibinahagi naman ni Archbishop Ledesma ang ginagawang hakbang ng iba’t-ibang grupo at institusyon kasama ang Simbahan ang pagsasagawa ng mga “Peace conversation” sa mga komunidad upang mapakinggan at maintindihan ang mga paninindigan at pangangailangan ng mga Muslim, Lumads,Kristiyano at iba pang katutubong grupo sa Mindanao.

“We’ve been caring out yung tinatawag naming peace conversation in order to listen and then to understand yung rights of remote communities among the indigenous people and also what are their aspirations for peace and development…” pahayag ni Archbishop Ledesma.

Sa ilalim ng BARMM, pangangasiwaan ng Bangsamoro government ang lahat ng inland waters, magiging magkatuwang naman ang BARMM at Department of Energy sa mga lugar na ginagamit bilang enerhiya habang lahat ng kita mula sa natural resources sa loob ng BARMM ay mapupunta sa Bangsamoro government.

Samantala, responsibilidad pa rin ng national government ang depensa at seguridad ng BARMM.

Kaugnay nito, umaasa naman ang iba’t ibang sektor ng lipunan maging ang Simbahan na magsilbing daan ang BARMM para sa minimithing pangarap ng mga Muslim, Kristiyano, Lumads at iba pang katutubong tribo para sa isang mapayapang rehiyon.

Batay sa tala may aabot sa 18 minority tribe ang matatagpuan sa Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 17,007 total reads

 17,007 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 102,997 total reads

 102,997 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 140,369 total reads

 140,369 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 171,629 total reads

 171,629 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 243,685 total reads

 243,685 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 32,726 total reads

 32,726 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top