Kabataan, inaanyayahan sa launching ng Laudato Si Gen-Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 541 total reads

Inaanyayahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kabataan na makiisa sa paglulunsad ng Laudato Si Gen (Generation) – Pilipinas, ngayong ika-22 ng Hunyo, araw ng sabado.

Ayon kay Cardinal Tagle, mahalagang matutunan ng mga kabataan kung paano maisasabuhay ang encyclical ng Kanyang Kabanalan Francisco na patungkol sa Kalikasan o ang Laudato Si.

Iginiit ng Kardinal na mahalagang matutunan sa murang edad pa lamang ang tamang pangangalaga sa kapaligiran dahil ito ay katumbas din ng pangangalaga sa kapwa.

Naniniwala si Cardinal Tagle na kung magagawa ng mamamayan ang tamang istilo ng pamumuhay na hindi nakasisira sa kalikasan ay maaari pang madatnan ng susunod na henerasyon ang kagandahan ng daigdig na biyaya ng Panginoon.

“Ito ay panawagan sa mga kabataan, habang bata kayo ay matutunan na kung paano pangalagaan ang ating mundo at ang kapwa, sa pamamagitan ng tamang espirituwalidad at tamang istilo ng buhay… Alagaan nain an gating kalikasan, an gating mundo, nang meron pa tayong maipasang mundo sa susunod na henerasyon.” pahayag ni Cardinal Tagle sa Radyo Veritas.

Unang nagpahayag ng pakikiisa sina Balanga Bishop Ruperto Santos at, San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa paglulunsad ng Laudato Si Gen-Pilipinas.

Read: CBCP-ECMI, nakikiisa sa 4-taong anibersaryo ng Laudato Si

Inaasahan namang libu-libong mga mananampalataya at mga kabataan ang makikiisa sa gaganaping pagdiriwang simula alas syete ng umaga sa Hardin ng mga Bulaklak sa Quezon Memorial Circle.

Ang paglulunsad na ito ng Laudato Si Gen ay bahagi din ng pagdiriwang ng ika-apat na taon ng Encyclical na Laudato Si na isinulat ng Santo Papa.

Kaugnay dito, kamakailan lamang ay muling inihayag ni Pope Francis ang “Climate Emergency” na umiiral ngayon sa mundo.

Bunsod nito nanawagan ang Santo Papa sa bawat tao ng kagyat na solusyon upang mabawasan ang carbon emissions at maibsan ang sobrang pag-init ng daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 11,928 total reads

 11,928 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 51,339 total reads

 51,339 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 86,639 total reads

 86,639 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 312,908 total reads

 312,908 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 205,573 total reads

 205,573 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,539 total reads

 35,539 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,431 total reads

 28,431 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top