Ecological conversion, panawagan ni Cardinal Tagle sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 385 total reads

Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na pahalagahan ang kalikasang handog ng Panginoon sa mga tao.

Ito ay bahagi ng kanyang pagninilay sa ginanap na Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang katawan at dugo ni Hesukristo noong ika-23 ng Hunyo, sa Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish.

Ayon sa Kardinal, ang presensya ni Hesus ay makikita sa mga simpleng bagay na nilikha ng Diyos tulad ng tinapay, alak at isda.

Sinabi ng Kardinal na sa pamamagitan ng pagkalinga at pag-aaruga sa kalikasang pinagmumulan ng mga simpleng pagkain na ito ay madarama ng tao ang pag-ibig ng Diyos at gayundin ay maipakikita sa Diyos ang pagpapahalaga ng tao sa Kanyang nilikha.

“Nakikiusap po ako sa ating lahat pahalagahan ang kalikasan pahalagahan ang ating mundo dahil galing yan sa diyos, regalo. Ang regalo hindi sinisira. Ang regalo pinahahalagahan.” Panawagan ni Cardinal Tagle.

Nakiusap si Cardinal Tagle sa mga mananampalataya na huwag magkalat sa loob ng simbahan at panatilihin ang kalinisan sa anumang mga programang idinaraos tulad ng prusisyon.

Nakadidismaya ayon sa Cardinal na matapos ang misa at prusisyon ay maraming kalat ang iniiwan na lamang ng mga tao.

“Nakakapagtaka kung kailan may malaking pyesta ang simbahan, marami ring kalat. Kung kailan tayo nag papasalamat sa Diyos sa tinapay, na bunga ng lupa at gawa ng tao, sa alak na bunga ng lupa at gawa ng tao, tayo naman nagpapakita, walang pag-aalaga sa bigay ng Diyos.” pahayag ng Kardinal

Dahil dito, hinamon ng Kardinal ang mga mananampalataya na sinupin ang mga kalat at tumulong sa paglilinis ng kapaligiran.

Binigyang diin nito na tunay lamang na magiging malinis ang kapaligiran kung mismong ang mga tao ay malinis din sa kanilang mga sarili.

“Kung tayong lahat magiging maalaga sa ating kapaligiran pati sa simbahan hindi naman natin kailangan ng janitor. Kailangan lang ng janitor kasi makalat ang mga tao. Lilinis talaga ang paligid kung tayo ang malinis at hindi mag-uupa ng iba para linisin ang ating iniiwang dumi.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Sa Encyclical na Laudato Si, inilarawan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang daigdig na nagmimistulan nang malawak na tambakan ng basura.

Ayon sa Santo Papa, masasagip lamang ang mundo kung magkakaroon ang mga tao ng ecological conversion, o pagbabalik loob sa Diyos at sa Kan’yang nilikha.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 4,559 total reads

 4,559 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 38,138 total reads

 38,138 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 122,696 total reads

 122,696 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 160,070 total reads

 160,070 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 191,328 total reads

 191,328 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 262,455 total reads

 262,455 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,446 total reads

 377,446 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top