Ateneo pride march, kinundena ng CFC-FFL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 726 total reads

Mariing kinondena ng grupong Couples for Christ Foundation for Family and Life ang pagdaraos ng Ateneo Pride March, o One Big Pride noong ika-15 ng Hunyo.

Binigyang diin ng CFC-FFL, na mayroon lamang dalawang kasarian na nilikha ang Panginoon at ito ay ang lalaki at babae.

Anila, ang LGBTQIA+ ay mga kasariang likha lamang ng makamundong lipunan at ang pagsasagawa ng homosexual acts gaya ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae ay isang imoral na gawain.

Naninindigan din ang CFC-FFL na ang mensahe ng LGBT Pride Celebration ay taliwas sa katuruan ng simbahang katolika.

Iginiit ng grupo na iginagalang at nirerespeto nito ang mga LGBT subalit hindi ang mga imoral na gawain at ang pagsusulong ng pagsasama ng dalawang taong pareho ang kasarian.

“We aver that all persons deserve respect and compassion. In reality, gays in the Philippines are well accepted and not just tolerated. They certainly are not discriminated against nor persecuted.” pahayag ng CFC-FFL.

Nanawagan naman ang CFC-FFL sa mga Catholic schools, mga Pari at mga Obispo na paigtingin ang pagtuturo ng Catholic Education kung saan binibigyang pagkilala ang tunay na sekswal na oryentasyon ng bawat tao na nakabatay sa moral na pamantayan ng simbahan.

“We call on the Ateneo, and all Catholic universities, to return to the very nature of Catholic education, and that is to raise strong Catholic men and women, who also are properly schooled. We call on our bishops to educate the faithful on authentic Catholic teaching on homosexuality, and to strongly defend the faith, especially in Catholic institutions of learning, which are forming the young minds of our Catholics.” panawagan pa ng grupo.

Matatandaang naglabas ang Congregation for the Catholic Education sa Vatican ng dokumentong may titulong “Male and Female He Created Them.”

Ang dokumentong ito ay nagsilbi ring panawagan sa mga pamilya, paaralan at sa buong lipunan upang matutunan ng mga bata at kabataan ang orihinal na katotohanan sa kasarian na pagkalalaki at pagkababae.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 29,575 total reads

 29,575 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 67,633 total reads

 67,633 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 102,932 total reads

 102,932 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 329,202 total reads

 329,202 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 220,769 total reads

 220,769 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,956 total reads

 35,956 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,846 total reads

 28,846 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top