Pagpapawalang bisa sa death penalty, ginugunita ng CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,215 total reads

Nanindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care na hindi makatutulong ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Ayon kay Bro. Rudy Diamante – Executive Secretary ng kumisyon, patuloy na maninindigan ang Simbahan na hindi solusyon ang death penalty upang mabawasan ang karahasan at krimen sa lipunan.

Iginiit ni Diamante na mahalagang gunitain at alalahanin ang tuluyang pagsasantabi ng dating administrasyong Arroyo sa parusang kamatayan na isang makataaong tugon sa pagsasaayos ng lipunan.

“June 24 po nilagdaan nung dating Presidente si Gloria Macapagal Arroyo yung pagtanggal sa parusang bitay at gusto po naming i-commemorate ito to remind once more the government that we have abolished really and it has done as good by abolishing it kasi mayroon pong gusto na namang ibalik…” pahayag ni Diamante sa panayam sa Radyo Veritas.

Matatandaang taong 1987 nang unang ipag-utos ng dating Pangulong Corazon Aquino ang pagbawi sa death penalty, bagama’t muling naipatupad sa Ramos Administration hanggang sa Estrada Administration kung saan noong 1999 ay pinatawan ng Lethal Injection si Leo Echagaray sa kasong panggagahasa.

Taong 2000 naman nang ipatupad ng dating Pangulong Estrada ang moratorium para sa death penalty at tuluyang ng isinantabi ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong June 24, 2006 kung saan pinababa sa habang buhay na pagkakulong ang ipinataw sa may higit isang libong preso na may parusang kamatayan.

Batay sa tala ng Amnesty International, nasa 140- bansa na rin ang nag-abolish sa kanilang parusang kamatayan.

Gayunpaman bukod sa parusahang kamatayan ay nauna na ring inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang hindi pagsang-ayon sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo ay labag sa dignidad ng tao at pagkakataong muling makapagbago.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 29,519 total reads

 29,519 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 67,582 total reads

 67,582 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 102,881 total reads

 102,881 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 329,151 total reads

 329,151 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 220,720 total reads

 220,720 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top