Ateneo pride march, kinundena ng CFC-FFL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 655 total reads

Mariing kinondena ng grupong Couples for Christ Foundation for Family and Life ang pagdaraos ng Ateneo Pride March, o One Big Pride noong ika-15 ng Hunyo.

Binigyang diin ng CFC-FFL, na mayroon lamang dalawang kasarian na nilikha ang Panginoon at ito ay ang lalaki at babae.

Anila, ang LGBTQIA+ ay mga kasariang likha lamang ng makamundong lipunan at ang pagsasagawa ng homosexual acts gaya ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae ay isang imoral na gawain.

Naninindigan din ang CFC-FFL na ang mensahe ng LGBT Pride Celebration ay taliwas sa katuruan ng simbahang katolika.

Iginiit ng grupo na iginagalang at nirerespeto nito ang mga LGBT subalit hindi ang mga imoral na gawain at ang pagsusulong ng pagsasama ng dalawang taong pareho ang kasarian.

“We aver that all persons deserve respect and compassion. In reality, gays in the Philippines are well accepted and not just tolerated. They certainly are not discriminated against nor persecuted.” pahayag ng CFC-FFL.

Nanawagan naman ang CFC-FFL sa mga Catholic schools, mga Pari at mga Obispo na paigtingin ang pagtuturo ng Catholic Education kung saan binibigyang pagkilala ang tunay na sekswal na oryentasyon ng bawat tao na nakabatay sa moral na pamantayan ng simbahan.

“We call on the Ateneo, and all Catholic universities, to return to the very nature of Catholic education, and that is to raise strong Catholic men and women, who also are properly schooled. We call on our bishops to educate the faithful on authentic Catholic teaching on homosexuality, and to strongly defend the faith, especially in Catholic institutions of learning, which are forming the young minds of our Catholics.” panawagan pa ng grupo.

Matatandaang naglabas ang Congregation for the Catholic Education sa Vatican ng dokumentong may titulong “Male and Female He Created Them.”

Ang dokumentong ito ay nagsilbi ring panawagan sa mga pamilya, paaralan at sa buong lipunan upang matutunan ng mga bata at kabataan ang orihinal na katotohanan sa kasarian na pagkalalaki at pagkababae.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 6,300 total reads

 6,300 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SOP

 23,428 total reads

 23,428 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 41,639 total reads

 41,639 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 125,970 total reads

 125,970 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 163,344 total reads

 163,344 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 194,586 total reads

 194,586 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,488 total reads

 377,488 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top