Iwaksi ang diskriminasyon sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,044 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kabataan na iwaksi ang diskriminasyon sa kanilang kapwa.

Ito ay inihayag ng Kardinal sa pagtitipong Usapang Totoo at Katoto na inorganisa ng Archdiocese of Manila Commission on Youth sa San Isidro Catholic School sa Pasay City.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang lahat ng tao ay may ugali na nanghahamak o nanghuhusga sa kapwa na maaring maitutuwid kung titingnan nito ang kapwa bilang kaniyang kawangis.

“Kapag sinabing discrimination may mga iba-ibang pagpapakita yan. Lahat tayo may tendency na mag discriminate. Ang laban sa discrimination ay, nakikita ko ba na ang kaharap ko ay tao, nilalang na kawangis ng Diyos, may dangal, may karapatan at kawangis ko?” pahayag ni Cardinal Tagle.

Iniugnay pa ito ng Kardinal sa mga dumaraan sa gender crisis o ang mga sinasasabing miyembro ng LGBT Community.

Ipinaliwanag nito na ang mga taong ito ay kawangis rin ng Panginoon, at marapat na itigil na ang pag-label o pag-uuri sa kanila.

Naniniwala ang Kardinal na sa pagtanggap ng simbahan sa mga LGBT ay maitataguyod ng mga ito ang moralidad at dangal ng bawat tao na kawangis ng Diyos.

Umaasa si Cardinal Tagle na sa tulong din ng simbahan ay matuklasan ng LGBT ang kanilang tunay na bokasyon, at naniniwala itong makatutulong ang talento ng mga ito sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

“LGBTQ siguro minsan nandyan din ang limitasyon, nilalagyan natin ng labels, at kapag nalagyan ng labels nakakalimutan nating tao, at kapag tao tinatawag siya na i-develop ang mga God given na buhay, dangal at talino para mkapag lingkod sa buhay, sa kapwa, at sa Diyos. Ang hamon ay i-discover ang pagiging tao kapag nakuha ang bokasyon bilang tao hindi ka gagawa ng nakasisira sa kapwa, sa Diyos, at sa lipunan. Kapag alam mo ang boakasyon mo ano man ang talents mo, uniqueness mo, gagamitin mo yun sa Diyos, hindi mo yun gagamitin sa kasiraan mo, ng kapwa mo, at ng lipunan.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle

Matatandaang ang buwan ng Hunyo ay tinawag na pride month ng LGBT community.

Nananatili naman ang paninindigan ng Simbahang Katolika sa pagsasabuhay ng “chastity” o kalinisan, at ang pagpapakasal lamang ng babae at lalaki.

Bilang pagtugon rin dito, inilabas ng Congregation for the Catholic Education sa Vatican ng dokumentong may titulong “Male and Female He Created Them.”

Umaasa ang simbahan na sa pamamagitan nito ay magagabayan ang bawat kabataan, mga pamilya, at ang buong lipunan kung paano lubos na mauunawaan ang katotohanan sa sekswal na oryentasyon ng mga lalaki at babae.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 39,973 total reads

 39,973 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 77,658 total reads

 77,658 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 112,955 total reads

 112,955 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 339,225 total reads

 339,225 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 230,195 total reads

 230,195 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,255 total reads

 36,255 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 29,146 total reads

 29,146 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top