Brothers of Mercy of St. John of God, Nagpapasalamat sa 30 taong biyaya ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 601 total reads

Ipinagdiwang ng Brothers of Mercy of St. John of God ang kanilang ika-30 anibersaryo sa Hospicio de San Juan de Dios sa Igulot, Bocuae, Bulacan noong unang araw ng Hulyo.

Pinangunahan ni Msgr. Pablo Legaspi- Vicar General ng Diocese of Malolos ang pagdiriwang ng banal na Misa.

Ginanap din ang pagbabasbas at investiture ng habit para sa mga Brothers of Mercy bilang pagbabalik muli sa kanilang pagsusuot ng religious habit.

Ayon kay Msgr. Legaspi, mahalaga ang gampanin ng mga kanilang kongregasyon sa patuloy na paglilingkod sa mga mahihirap at nangangailangan lalu na sa mga may sakit sa pag-iisip, mga pipe at bingi.

Binigyang diin niya na hindi biro ang pagsasakripisyo at pag-aalay ng panahon para mabigyang pansin, maalagaan, at mahalin ang mga taong may espesyal na pangangailangan.

Dagdag pa Msgr. Legazpi, ang pagdiriwang ng ika-30 taon ng Hospicio de San Juan de Dios ay isa ring pasasalamat sa kabutihan ng Diyos at hamon sa mga bumubuo nito na magpatuloy sa paglilingkod sa kapwa.

Umaasa si Msgr. Legaspi na sa pagpapatuloy din ng paglilingkod ng Brothers of Mercy ay madadagdagan pa ang mga nais mapabilang sa kanilang kongregasyon.

Taong 1989 nang maitatag ang Hospicio de San Juan de Dios kasabay din ng pagtatatag sa Brothers of Mercy of St. John of God sa pangunguna nang yumaong si Bro. Francis Joseph Gillen, na mula sa Amerika.

Nakiusap ito sa dating Obispo ng Malolos na si Bishop Cirilo Almario, na magtayo ng isang Hospicio na nakasentro sa pag-aalaga ng mga may sakit sa pag-iisip, na siyang orihinal na apostolado ng kanilang patron na si San Juan de Dios.

Sa kasalukuyan mayroong 99 na lalakeng pasyente sa Hospicio sa Igulot, Bocuae habang mayroon namang 34 na babaeng pasyente sa Hospicio sa Bustos, Bulacan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 32,938 total reads

 32,938 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 70,841 total reads

 70,841 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 106,140 total reads

 106,140 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 332,410 total reads

 332,410 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 223,765 total reads

 223,765 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,069 total reads

 36,069 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,960 total reads

 28,960 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top