40 kaso naitatala kada araw; HIV hindi lang usaping pangkalusugan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total reads

Hindi lamang usaping pang-kalusugan kundi isang panlipunang kalagayan ang patuloy na pagtaas ng HIV (Human Immunodeficiency Virus) sa bansa ayon sa opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Ito ang inihayag ni Fr. Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care sa panayam ng Radio Veritas.

“Pero kung titingnan natin HIV is also a social aspect. Dahil naparaming factors na dapat tingnan natin para makita natin na itong HIV na ito ay dulot ng iba’t ibang social factors. Kung titingnan natin ang problem tree ng HIV- maraming factors yan youth vulnerability to pornography, youth vulnerability, self concept-papatak yan sa totoong konsepto ng sekswalidad, drugs, prostitution, values formation ng tao. Dahil marami rin ngayong may asawa may extra marital relationship na nagkakaroon din ng HIV,” ayon pa sa pari.

Giit ng pari, hindi lamang dapat tingnan ang nakakahawang sakit bilang usaping pangkalusugan na kinakailangan ng gamot kundi maging sa aspetong panglipunan tulad ng pagkalantad ng mga kabataan sa pornograpiya, ilegal na droga, prostitusyon at hindi pagpapahalaga sa relasyon.

“Kaya nga pinapalaganap natin ngayon yung tamang konsepto ng human sexuality. Kasi parang ang human sexuality ngayon ay isang pisikal lamang na hindi naisasalin sa isang aspeto pa na mas mahalaga sa pagpapahalaga ng relasyon,” ayon sa pahayag ni Fr. Cancino.

Naniniwala rin si Fr. Cancino na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng HIV case sa Pilipinas ay epekto na rin ng awareness campaign kaya’t marami na ang nagpapatingin at nakikitang positibo sa pagkakaroon ng HIV.

Sa tala, aabot sa average na 40 kaso kada araw ang nahahawa ng HIV simula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.

Nangangamba rin ang pari dahil sa pinakamalaking porsyento ng nagkakaroon ng HIV sa kasalukuyan ay nahahawa dito sa pilipinas na dati ay karaniwang nakukuha ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

“Ang OFW dati talaga ang concentration ng population for HIV at hanggang ngayon may nagpopositibo pa rin pero for the past 15 years ay locally transmitted na rin, yun ang mataas na porsyento,” ayon kay Fr. Cancino.

Kaya’t patuloy ang panawagan ng simbahan sa publiko na maagang magpatingin sa doktor para sa tama at libreng gamutan nang hindi na makahawa pa ng iba.

Giit pa ng pari dapat bawat isa ay bigyan ng pagpapahalaga ang katawan bilang biyaya maging paanyaya sa lahat ng pagbabagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 34,748 total reads

 34,748 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 72,575 total reads

 72,575 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 107,874 total reads

 107,874 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 334,144 total reads

 334,144 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 225,368 total reads

 225,368 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 9,361 total reads

 9,361 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top