Pagpanibaguhin ang mundo, gamit ang salita ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 479 total reads

Ito ang hamon sa gaganaping Philippine Conference on New Evangelization na ngayon ay nasa ika-anim ng taon.

Ayon kay Fr. Jayson Laguerta–director ng Office for the Promotion for the New Evangelization (OPCNE), ang salita ng Diyos ay hindi naluluma, subalit nagbabago ang mga pamamaraan, sitwasyon, at kultura na kinakailangang sabayan ng simbahan.

Naniniwala si Father Laguerta na ang pagsasagawa ng PCNE ay isang pamamaraan lamang ng pagpapakita ng patuloy na pangangaral at pakikipagdiyalogo ng simbahan sa mga mananampalataya kaugnay sa mga bagong suliranin na kinakailangan ng moral na paggabay mula sa simbahan.

“Yung New Evangelization, pagtitipon ng mga Kristiyano, Katoliko na naghahangad na payabungin pa at ibahagi pa yung mabuting balita sa lahat sa iba’t-ibang kaparaanan. Ang New naman sa New Evangelization, hindi naman naluluma ang ebanghelyo ang bago ay mga bagong sitwasyon, bagong pamamaraan, bagong kultura ng mga tao.” Bahagi ng pahayag ni Father Laguerta sa panayam ng Radyo Veritas.

Naniniwala naman si Fr. Laguerta na isang malaking hamon sa makabagong ebanghelisasyon ang paggabay sa mga LGBT upang makilala nito ang kanilang sarili at matuklasan ang kalooban ng Diyos.

Naniniwala ang pari na hindi dapat huminto ang simbahan at ang mananampalataya sa pakikipag-usap at pag-unawa sa sitwasyon at sa pagsaliksik sa mga turo ng Panginoon upang sa tulong din ng Espiritu Santo ay makamit ng bawat isa ang katotohanan.

“The challenge of New Evangelization is to renew the world through the Gospel, kaya yung LGBTQ issue ng gender, bahagi din s’ya ng evangelization kasi hindi tayo natatapos sa pag-uusap sa discernment, sa paghahanap kung ano ba talaga ang sinasabi sa atin ng Panginoon sa sitwasyon ng buhay natin. Kaya kapag bukas ang puso ng tao sa kalooban ng Diyos, sa Espiritu Santo, makakarating tayo sa katotohanan, never ending dialogue, never ending discernment on where the spirit is leading us,” dagdag pa ni Fr. Laguerta.

Ang PCNE6 ngayong 2019 ay nakatuon sa mga kabataan bilang bahagi ng pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ng Year of the Youth bilang paghahanda sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bans.

Tema sa pagtitipon ngayon ang “Filipino Youth walking with Jesus” at inaasahang libu-libong mga mananampalataya ang dadalo sa tatlong araw na kumperensya.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 6,613 total reads

 6,613 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SOP

 24,104 total reads

 24,104 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 42,313 total reads

 42,313 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 126,643 total reads

 126,643 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 164,017 total reads

 164,017 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 195,244 total reads

 195,244 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,492 total reads

 377,492 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top