274 total views
Tiniyak ng pamunuan ng Archdiocese of San Fernando, Pampanga ang pakikipagtulungan sa mga otoridad kaugnay sa isinampang kaso ng panggagahasa sa isang 17-taong gulang na babae laban sa Pari ng Arkidiyosesis.
Ayon kay San Fernando Archbishop Florentino Lavarias, nirerespeto ng Simbahan ang legal na proseso ng batas kaya’t makikipagtulungan ang Arkidiyosesis sa anumang mga kakailanganin upang umusad ang imbestigasyon at magkaroon ng linaw sa nasabing kaso.
Nilinaw ng Arsobispo na sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na impormasyon sa kinaroroonan ni Fr. Daniel Alvarado Baul, dating Apostolate director ng Bahay Pag ibig, Munting Tahanan ng Nazareth, Indu ning Mayap a Usuk Holy Angel Village.
“They continued yung looking for him to start their hearing kaya lang hindi ma-start start because they cannot serve yung warrant because he is nowhere to be found, ako kahit ako hindi ko alam kahit na nung nagpunta yung mga magsi-serve dito na military so I told them once na meron akong nalaman I will tell him to face the case. And then yun patuloy pa rin yung pag-ano sa kanya na kung pwede kung nasaan man siya kasi actually hindi ko alam talaga kung nasaan siya,” ang bahagi ng pahayag ni Archbishop Lavarias sa panayam sa Radyo Veritas.
Sa inilabas na pahayag sinabi ni Archbishop Lavarias na sa kanilang huling pag-uusap ni Fr. Baul ay tiniyak nitong haharap ito sa korte upang mapatunayan ang kanyang pagiging inosente.
“During the filing of the complaint before the Prosecutor’s Office and at the inception of the Ecclesiastical Investigation, Fr. Daniel A. Baul assured me that he will squarely face the matter before the proper fora. Unforetunately, at this stage of the case, his whereabouts is not known to me. I trust his word previously given to me that he will not evade the case, and will, in due time, appear in court to support his claim of innocence,” bahagi ng ikalawang opisyal na pahayag na inilabas ng Archdiocese ng San Fernando.
Nauna ng inihayag ng Arsobispo ang agad na pag-aalis kay Fr. Baul sa kanyang dating posisyon noong nakaraang buwan ng Marso 2019 habang isinailalim ito sa Ecclesiastical investigation habang tiniyak rin ni Archbishop Lavarias na nasa mabuting pangangalaga ng Archdiocese of San Fernando ang babaeng nagsampa ng reklamo laban sa Pari.