Pagpanibaguhin ang mundo, gamit ang salita ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 398 total views

Ito ang hamon sa gaganaping Philippine Conference on New Evangelization na ngayon ay nasa ika-anim ng taon.

Ayon kay Fr. Jayson Laguerta–director ng Office for the Promotion for the New Evangelization (OPCNE), ang salita ng Diyos ay hindi naluluma, subalit nagbabago ang mga pamamaraan, sitwasyon, at kultura na kinakailangang sabayan ng simbahan.

Naniniwala si Father Laguerta na ang pagsasagawa ng PCNE ay isang pamamaraan lamang ng pagpapakita ng patuloy na pangangaral at pakikipagdiyalogo ng simbahan sa mga mananampalataya kaugnay sa mga bagong suliranin na kinakailangan ng moral na paggabay mula sa simbahan.

“Yung New Evangelization, pagtitipon ng mga Kristiyano, Katoliko na naghahangad na payabungin pa at ibahagi pa yung mabuting balita sa lahat sa iba’t-ibang kaparaanan. Ang New naman sa New Evangelization, hindi naman naluluma ang ebanghelyo ang bago ay mga bagong sitwasyon, bagong pamamaraan, bagong kultura ng mga tao.” Bahagi ng pahayag ni Father Laguerta sa panayam ng Radyo Veritas.

Naniniwala naman si Fr. Laguerta na isang malaking hamon sa makabagong ebanghelisasyon ang paggabay sa mga LGBT upang makilala nito ang kanilang sarili at matuklasan ang kalooban ng Diyos.

Naniniwala ang pari na hindi dapat huminto ang simbahan at ang mananampalataya sa pakikipag-usap at pag-unawa sa sitwasyon at sa pagsaliksik sa mga turo ng Panginoon upang sa tulong din ng Espiritu Santo ay makamit ng bawat isa ang katotohanan.

“The challenge of New Evangelization is to renew the world through the Gospel, kaya yung LGBTQ issue ng gender, bahagi din s’ya ng evangelization kasi hindi tayo natatapos sa pag-uusap sa discernment, sa paghahanap kung ano ba talaga ang sinasabi sa atin ng Panginoon sa sitwasyon ng buhay natin. Kaya kapag bukas ang puso ng tao sa kalooban ng Diyos, sa Espiritu Santo, makakarating tayo sa katotohanan, never ending dialogue, never ending discernment on where the spirit is leading us,” dagdag pa ni Fr. Laguerta.

Ang PCNE6 ngayong 2019 ay nakatuon sa mga kabataan bilang bahagi ng pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ng Year of the Youth bilang paghahanda sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bans.

Tema sa pagtitipon ngayon ang “Filipino Youth walking with Jesus” at inaasahang libu-libong mga mananampalataya ang dadalo sa tatlong araw na kumperensya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 224,106 total views

 224,106 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 254,329 total views

 254,329 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 280,973 total views

 280,973 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 375,946 total views

 375,946 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 382,481 total views

 382,481 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,050 total views

 347,050 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top