Cardinal Tagle sa mga magulang, ipamana sa mga anak ang dakilang pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 562 total reads

Ipinaalala ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang malalim na pananampalataya sa Panginoon ang tutulong upang makayanan ang mga pagsubok sa buhay.

Ito ang inihayag ng Cardinal sa isang misa ng pamamaalam sa yumaong si Rosita Ignacio, ina ni Rev. Fr. Yulito Ignacio.

Ayon kay Cardinal Tagle, sa panahon na nakararanas ang mga tao ng mga problema, pasakit sa buhay at pagkamatay ng minamahal, si Hesus lamang ang tanging makapagbibigay ng lakas sa mga nagdurusa.

“In the midst of all these, our faith teaches us to remain rooted in the Lord. Kapag naka kapit ka sa Panginoon hindi mo alam nakakayanan mo, masakit parin pero meron kang pinanghahawakan.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Samantala, hinamon naman ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya lalo na ang mga magulang na ibigay ang pinaka dakilang pamana sa mga anak na pananampalataya.

Sinabi nito na mahalaga ang pagbibigay ng mga pisikal na pangangailangan, salapi at edukasyon sa mga anak at sa susunod na henerasyon.

Subalit, sa pagpanaw ng mga nakatatanda, pinaka dakila pa rin ang pagpapamana ng malalim na pananampalataya sa Diyos.

Ayon kay Cardinal Tagle, ito ang tutulong sa mga kabataan upang sa kanilang pagharap sa mga pagsubok ay masumpungan nila ang pagmamahal ni Hesus na magbibigay kalakasan upang mapagtagumpayan ang mga suliranin sa buhay.

“Mahalaga na magbigay ng pagkain, edukasyon, bahay, sa mga susunod na henerasyon, pero mahalaga na, ipasa ba natin ang pananampalataya? That will give them strength and stability when rough time comes, and we can say nothing will separate us from the Lord and Jesus will not allow anyone given to him by the Father to perish.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 19,134 total reads

 19,134 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 104,887 total reads

 104,887 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 142,259 total reads

 142,259 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 173,519 total reads

 173,519 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 245,495 total reads

 245,495 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,191 total reads

 377,191 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top