Filipino 1st policy, inaasahan ng CBCP-ECMI sa SONA ng pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 687 total reads

Pinuri ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang adminsitrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglutas ng ilang suliranin sa bansa sa nakalipas na tatlong taong pamamahala.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ipinakikita ng kasalukuyang administrasyon ang pagkalinga sa mga Overseas Filipino Workers sa pamamagitan ng pagresolba sa usapin tulad ng tanim-bala sa NAIA, ang paniningil ng 550 terminal fee, ang talamak na pagnanakaw ng mga kawani ng paliparan sa mga bagahe at pangingikil sa mga OFW.

“For us at the CBCP-ECMI, we give credit to the administration because with his [President Duterte] administration our OFWs feel that they are protected, taken care of and appreciated,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Samantala, umaasa naman ang Obispo na unahin ang kapakanan ng mga Filipino sa pag-uulat ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) sa ika – 22 ng Hulyo.

Binigyang diin ni Bishop Santos na dapat lumikha ang pamahalaan ng mas maraming mga trabaho sa Pilipinas para sa mamamayan upang maiwasan na ang pangingibang bansa na minsang kaakibat ay karahasan ang nararanasan ng iilan.

“The SONA should speak about “Filipino first,” that is to create jobs here so that our countrymen will never be forced to go abroad for works and give priority to our Filipino to work here in our own country,” ani pa ni Bishop Santos.

Batay sa pag-aaral ng IBON Foundation naitala lamang ang 81, 000 nalikhang trabaho ng kasalukuyang administrasyon noong 2017 at 2018 dahilan upang mas maraming Filipino ang piniling magtrabaho sa ibayong dagat dahil sa kawalan ng oportunidad sa bansa.

Sa survey naman ng Pulse Asia lumabas na higit sa 17 porsyento sa mga Filipino ang umaasang talakayin ng pangulo ang kalagayan ng mga manggagawa sa bansa tulad ng usapin ng pasahod at kontraktuwalisasyon habang ang iba naman ay ang tugon sa paggalaw ng presyo sa mga pangunahing bilihin na higit kinakailangan ng mga ordinaryong mamamayan.

Hinimok pa ni Bishop Santos ang pangulo na manindigan para sa bayan at matulungan ang mamamayan na magkaroon ng kabuhayan bilang tugon sa lumalalang kahirapan sa bansa.

“Raise up the flag. Create jobs which are stable and secured, humane and dignified,” dagdag pa ng pinuno ng CBCP-ECMI.

Bukod dito ay umaasa rin ang pinunong pastol ng Balanga na isulong at itaguyod ng pamahalaan ang kapakanan ng bansa at mamamayan laban sa mga banta ng karahasan at kaguluhan.

Kabilang na dito ang paggalang sa karapatang pantao at karapatan sa teritoryong sakop ng Pilipinas tulad ng West Philippine Sea.

“Let our people live safely and at peace, so promote and protect our people and our lands because to protect is to safeguard them from destruction and from death,” giit ng Obispo.

Umaasa ang Obispo na maging mapayapa ang nalalapit na SONA ng Pangulong Duterte at marinig ng mamamayan ang tunay na kalagayan ng bansa at ang kasagutan sa mga hinaharap na suliranin ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,518 total reads

 17,518 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,545 total reads

 54,545 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,815 total reads

 280,815 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,282 total reads

 174,282 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,378 total reads

 267,378 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top