130 Lay Organizations, naninindigan para sa mga inuusig na lider ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 548 total reads

Nanindigan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa pagbibigay suporta at paghahanap ng katotohanan sa kinahaharap na kasong sedisyon ng 35-indbidwal na kinabibilangan ng ilang mga opisyal ng Simbahang Katolika.

Sa opisyal na pahayag na nilagdaan ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Dr. Maria Julieta Wasan, tiniyak ng mga layko mula sa iba’t-ibang diyosesis sa buong bansa ang paninindigan para sa mga Obispo at pari ng Simbahang Katolika na inuugnay sa sinasabing planong destabilisasyon laban sa kasalukuyang administrasyong Duterte.

“WE, the Sangguniang Laiko ng Pilipinas (Council of the Laity of the Philippines), together with all its Arch/Diocesan Councils of the Laity and National Lay Oganizations in the Philippines, STAND WITH OUR BISHOPS FOR TRUTH, JUSTICE AND PEACE!” bahagi ng opisyal na pahayag ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Iginiit ni Wasan na ang mga Obispo at Paring pinaparatangan at kabilang sa mga kinasuhan ng sedition case ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ay puspusang nagsusulong at naninindigan para sa katotohanan, katarungan at kapayapaan sa bansa.

Dahil dito, mahalaga aniyang magkaisa ang bawat layko sa pagbibigay suporta at paghahanap ng katarungan at katotohanan sa mga lingkod ng Simbahan na inuusig ng pamahalaan.

Tiniyak ni Wasan na hindi kailanman mananaig ang kadiliman at kasinungalian sa katotohanan at kaliwanagang hatid ng Panginoon para sa bawat isa.

“The recent allegations hurled towards our Bishops and other priests and individuals who have always stood for truth, justice and peace, and the purposes behind such attempts will never prosper. Truth, Justice and Peace will!” pahayag ni Wasan.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay binubuo ng lahat ng mga Council of Laity mula sa may 86 na diyosesis at arkediyosesis sa buong bansa bukod pa sa mahigit 50 Affiliate National Lay Organizations nito sa buong bansa.

Kabilang sa 35-indibidwal sa sinampahan ng sedition case ng PNP-CIDG ay sina Vice President Leni Robredo at ilang mga opisyal ng Simbahan kabilang na sina CBCP Vice President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, Former CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr., Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Fr. Flaviano Villanueva, running priest Fr. Robert Reyes at Jesuit Priest na si Fr. Albert Alejo.

Nauna na ring ipinagtanggol ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Davao Archbishop Romulo Valles ang ilang obispo at pari sa pagkakasangkot sa nasabing kaso at ipananalangin ang pag-iral ng katarungan at katotohanan sa lipunan.

Read: CBCP, ipinagtanggol ang mga Obispo at Paring isinasangkot sa sedition case

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 33,089 total reads

 33,089 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 69,129 total reads

 69,129 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 295,399 total reads

 295,399 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 188,866 total reads

 188,866 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 281,148 total reads

 281,148 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top