Obispo ng Batanes, humiling ng dasal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 530 total reads

Humiling ng panalangin si Batanes Bishop Danilo Ulep para sa mamamayan ng isla partikular sa Itbayat na labis naapektuhan ng 5.4 magnitude na lindol.

Ayon sa Obispo patuloy pa ang kanilang pagmomonitor sa pinakamalayong isla ng Batanes sapagkat nanatiling pahirapan ang pagpunta sa Itbayat.

“We are trying to find a way including my priest how to get there [Itbayat] to monitor, hopefully the government and the militar will be able to send some rescue mission in Itbayat kasi ang problema ang pagpunta doon right now,” pahayag ni Bishop Ulep sa Radio Veritas.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) unang yumanig ang 5.4 magnitude na lindol alas 4:16 ng madaling araw at nasundan pa ng ilang aftershock na naramdaman.

Sa inisyal na pahayag ni Itbayat Mayor Raul de Sagon walong katao ang nasawi habang higit sa 60 ang nasugatan dahil sa pagbagsak ng kanilang mga bahay kung saan karamihan sa mag residente ay natutulog pa nung maganap ang pagyanig.

Ayon kay Bishop Ulep patuloy ang kanilang pagkalap ng mga impormasyon sa lawak ng nasira ng lindol partikular ang simbahan ng Itbayat na bumagsak ang ilang bahagi at nagtamo ng maraming mga bitak.

Dalangin ng Obispo na nawa’y pagkalooban ng Panginoon ng kalakasan at katatagan ang bawat mananampalataya sa Batanes na apektado ng lindol lalo na ang pamilya ng mga nasawing biktima.

Ang pagyanig sa Batanes ay kasabay ng pagsagawa ng ikalimang Duck, Cover Hold Metro Manila Shake Drill sa madaling araw ng ika 27 ng Hulyo bilang paghahanda kung tumama ang pinangangambahang ‘The Big One’.

PRAYER

Heavenly Father, we ask you to look kindly our people, especially the mostly affected in this recent earthquake in our locality especially in the island of Batanes. We ask you Lord to give us the grace to be able to cope with the effect of the earthquake and particularly bring to your eternal embrace and so also those who perish and those who are still trying to recover the effects of this earthquake. Na sana Panginoon ay mabigyan sila ng lakas na bumangon sa naging epekto nitong paglindol.

Bigyan mo rin kami ng lakas upang tanggapin na ikaw na makapangyarihan ang magiging sandalan namin sa gitna ng pagsubok na ito sa aming buhay. Hinihiling namin ito Panginoon sa ngalan ng iyong anak na si Hesus. Amen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,522 total reads

 37,522 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,308 total reads

 73,308 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,578 total reads

 299,578 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,046 total reads

 193,046 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,064 total reads

 285,064 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top