Dismiss sedition charges

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 572 total reads

Ito ang panawagan ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan sa pamahalaan sa pagsasangkot sa mga obispo at pari sa kasong sedition kasama ang 35 pang mga indibidwal.

Sa opisyal na pahayag ng arkidiyosesis na binasa ni Lingayen, Dagupan Auxiliary Bishop Fidelis Layog, binigyang diin nito na ang mga Obispo at pari ay mga tagapagtaguyod ng katotohanan na nagsisiwalat lamang ng katotohanan sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsusuri sa tunay na kalagayan ng lipunan sa Pilipinas.

Dagdag pa dito, ang paraan ng paghahayag ng mga pari at Obispo ay bahagi ng kanilang karapatan sa pamamahayag na naaayon sa konstitusyon ng Pilipinas.

“We are certain that these advocates of truth only engage with other people to create a richer discourse in analyzing and understanding the situation of the country—they were merely exercising their constitutional right to freedom of expression and association,” bahagi ng pahayag ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan.

Patuloy na panawagan ng mga mananampalataya ang dismissal o pagbalewala sa kasong sedisyon sa mga kinatawan ng simbahan na sina Archbishop Socrates Villegas, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani, Fr. Albert Alejo, Fr. Robert Reyes, at Fr. Flaviano Villanueva.

“It is our faith in true democracy that we stand together in the belief that the sedition charges filed against our beloved Archbishop Soc and the other advocates of truth are unfounded and untrue and we hereby petition its dismissal.”

Nag-alay din ng misa ang Arkidiyosesis ng Lingayen Dagupan para kay Archbishop Villegas at sa iba pang pari at Obispong inakusahan ng sedisyon.

Read: 3-buwang pagpapatunog ng kampana, sinimulan ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan
130 Lay Organizations, naninindigan para sa mga inuusig na lider ng Simbahan

Sa pagninilay ni Bishop Layog, hinimok nito ang mga mananampalataya na gumawa ng paraan upang mangibabaw ang katotohanan.

Ayon sa Obispo, hindi sapat na sabihin lamang na pumapanig tayo sa katotohanan at katarungan, bagkus kailangan aniya na tukuyin at isiwalat ang mga mali at ang pinagmumulan ng mga katiwalian at kawalang-katarungan.

“It is not enough to say that we are for truth; we must also say why it is wrong to lie and falsely accuse. It is not enough to speak of justice, but we must also question the source of injustice,” bahagi ng pahayag ni Bishop Layog.

Read: Mananaig ang Katotohanan-Archbishop Villegas
Pinagpala ang mga inuusig at maling pinaparatangan-Bishop Dimoc

Umaasa naman ang Obispo, na sa kabila ng mga maling paratang, at kasinungalingang ibinabato sa simbahan ay mananaig pa rin ang katotohanan.

“In this time of our history, it is not enough to do what is good – Hukayin ang katotohanan sapagkat tulad ng perlas, palagi itong magniningning! Ang kapayapaan ay dapat magningning! Ang Karapatan pang Tao ay dapat palaging magningning!” dagdag pa ni Bishop Layog

Libu-libong mga mananampalataya ang nakiisa sa banal na misa na sinundan ng prusisyon at candle-lighting sa paligid ng Cathedral of St. John the Evangelist sa Archdiocese of Lingayen, Dagupan.

Bukod sa mga pari, relihiyoso at relihiyosa, nakiisa din sa banal na misa si Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc.

Read: Official Statement of the Archdiocese of Lingayen, Dagupan about the sedition charges against Abp. Socrates Villegas and other Bishops and Priests.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 5,303 total reads

 5,303 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 44,893 total reads

 44,893 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 80,327 total reads

 80,327 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 306,597 total reads

 306,597 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 199,710 total reads

 199,710 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,358 total reads

 35,358 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,251 total reads

 28,251 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top