Vatican foundation, tiniyak ang suporta sa mga inuusig na lingkod ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 535 total reads

Bukod sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at mga obispo ng iba’t ibang diyosesis-nagpahayag na rin ang Pontifical Foundation ng Vatican sa Pilipinas ng suporta at pakikiisa sa mga pastol ng Simbahan na inuusig dahil sa paninindigang sa katotohanan at pag-iral ng katarungan sa lipunan.

Sa inilabas na pahayag ng Aid to the Church in Need Philippines ang mga kasong isinampa laban sa mga Obispo, Pari at mga layko ay hayagang pumipigil sa katotohanan at paggalang sa karapatang pantao.

“Aid to the Church in Need Philippines strongly and unequivocally stands with our President Archbishop Socrates Villegas, together with Bishop Pablo Virgilio David, Bishop Honesto Ongtioco and Bishop Teodoro Bacani Jr., in light of the charges of sedition filed against them. These charges are devoid of truth and justice, decency and respect for their human dignity.”

Read: Solidarity mass para sa mga inuusig na lider ng Simbahan, pangungunahan ng AMRSP
CBCP, naglabas ng Solidarity Prayer para sa mga inuusig na obispo at pari

Giit pa ng ACN na isinasabuhay lamang ng mga lingkod ng simbahan ang gawain ng Panginoong Hesukristo bilang Mabuting Pastol ng sambayanan na nagpapahayag, nagtataguyod at nagpoprotekta sa buhay, katarungan, katotohanan at kalayaan sa lipunan.

Ayon pa sa pahayag ang mga Obispong sinampahan ng sedition, inciting to sedition, cyber libel, estafa at obstruction of justice ay mga tunay na halimbawa na nagsusulong ng pagkakaisa sa lipunan na may paggalang sa karapatang pantao.

“The Bishops unjustly accused of sedition are exemplars of dedicated humble service to the wellbeing of the Filipinos, as well as to many humanitarian causes proof of their undeniable love for the country.”

Ikinalungkot ng ACN ang walang basehang kaso na isinampa laban sa mga pastol sapagkat maituturing itong pang-uusig sa pananampalataya kaya’t umaasa itong taglayin ng pamahalaan ang katarungan na nakabatay sa katotohanan at buong katapatang pairalin ang batas.

“ACN Philippines enjoins the faithful to pray together for the safety of the Bishops. May the Passion of Christ strengthen our Bishops to withstand their trials.”

Kabilang din sa 36 na indibidwal na sinampahan ng kaso sina Fr. Robert Reyes, Fr. Flaviano Villanueva at Fr. Albert Alejo.

Ang ACN ay grupong tumutulong sa mga inuusig na Simbahang Katoliko sa mundo at sumusuporta sa mga simbahang nakararanas ng kahirapan dahil sa iba’t ibang hamon na kinakaharap.

Naitatag ang ACN noong 1947 at kinilalang papal foundation noong 2011 at nagbibigay suporta sa hindi bababa 5,000 proyekto sa higit 150 mga bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,668 total reads

 15,668 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,779 total reads

 52,779 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,049 total reads

 279,049 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,516 total reads

 172,516 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,762 total reads

 265,762 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top