Maging masunurin sa Diyos, tulad ni Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 450 total reads

Tularan ang pagiging tapat at masunurin ng Mahal na Birheng Maria.

Ito ang paanyaya ni Diocese of Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. sa mga mananampalataya kaugnay s pagdiriwang ng Dakilang kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria.

Ayon sa Obispo, kung nais ng mananampalataya na pagpalain din ng Panginoon tulad ng pagpapala nito sa Mahal na Birhen ay mahalagang tularan ang pagiging masunurin nito sa Diyos.

Ipinaliwanag ni Bishop Maralit na maraming paraan upang magpakita ng pagsunod sa Diyos at ito ay sa pagtalima sa iba’t-ibang pagtawag ng Panginoon sa bokasyon ng isang tao.

“Meron tayong tinatawag na bokasyon, universal meron ding specific, pinili na tayo ng Diyos huwag na nating alisin sa sarili natin. Tayong may kakayahang tumugon sa pagtawag ng DIyos katulad ng ating Mahal na Ina at kung yung ating pagtugon ay matamis na ‘oo’ kagaya kay mama Mary, pinagpala tayo,” pahayag ni Bishop Maralit sa kanyang video na Thought of the Day.

Dagdag pa ng Obispo, sa pagsang-ayon sa Diyos ay kinakailangang maging tapat sa sinumpaan ng pagtalima.

Aniya, dapat na panindigan at manatili ang tao sa pagtawag ng Panginoon sa kabila ng mga kamalian at kasalanan na nagagawa.

“Kung ating paninindigan, mananatili tayong tapat sa pagtawag at sa ating pag oo sa kanya, na ang ating buhay sa gitna ng ating mga kamalian, kasalanan ay pagsusumikapan nating maging tapat. Binibigyan tayo lagi ng Diyos ng pagkakataon na maging tapat sa kanya ulit, dahil dito ‘pag tayo’y magiging tapat magiging pinagpala tayo sa Diyos,” dagdag pa ni Bishop Maralit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 20,610 total reads

 20,610 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 54,900 total reads

 54,900 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 91,382 total reads

 91,382 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 109,594 total reads

 109,594 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 192,820 total reads

 192,820 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,677 total reads

 378,677 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top