VeritasPH

The Word, The Truth

Bishop David, nagpapasalamat sa Prayer Warriors

SHARE THE TRUTH

 139 total views

Nagpapasalamat si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa lahat ng mga grupo ng mga mananampalataya na nagpapahayag ng suporta hindi lamang sa kanya kundi maging sa iba pang mga lingkod ng Simbahan na inuusig dahil sa kanilang pagpapahayag ng katotohanan sa lipunan.

Ayon sa Obispo na kasalukuyang bise-presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) malaking tulong ang suporta at pananalangin ng iba’t ibang mga institusyon ng simbahan tulad ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines, Sangguniang Laiko ng Pilipinas at iba pang lay institutions sa pagpapalakas ng loob ng mga lingkod ng Simbahan sa paninindigan sa katotohanan.

Ayon kay Bishop David maituturing na “Prayer Power” ang ipinapamamalas na pagkakaisa sa pananalangin ng mga mananamapalataya na isang bagong anyo ng paninindigan at paglaban ng mga mamamayan sa mga maling nangyayari sa lipunan.

“Gusto kong magpahayag ng aking taos-pusong pasasalamat lalong lalao na sa Association of Major Religious Superiors (in the Philippines) kasi ginanap din nila yung kanilang sariling Solidarity Mass at nabasa ko ang kanilang very strongly worded statement maraming-maraming salamat, gayundin sa Sangguniang Laiko (ng Pilipinas) at iba pang mga Lay movements hindi ko maalala lahat nakikita ko lang sa social media, but this is good ang tawag ko Prayer Power the new form of resistance we don’t call it people power we call it prayer that binds people together, in solidarity together…” ang bahagi ng pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng Obispo ang pagkakaisa ay hindi lamang nakasalalay sa pisikal na pakikibahagi kundi maging sa pang-espirituwal lalu na sa pamamagitan ng pananalangin na isang mabisang sandata sa mga pagsubok sa buhay.

Umaasa si Bishop David na madagdagan pa ang mga prayer warriors na mariing nananalangin para sa kapakanan ng bansa para sa katotohanan at kapayapaan.

“Ang solidarity natin hindi naman kailangang physical we can express yung solidarity natin spiritually also kaya tinawag ko siyang “Prayer Power” believe it or not lahat ng mga contemplative orders mga Poor Claire Sisters, mga Pink Sisters, mga Carmelite Sisters parang mistulang mga prayer warriors namin so parang ang panawagan ko is dumami pa ang mga prayer warriors para sa kapayapaan sa ating bansa, para maresolba itong ating mga hinaharap na pagsubok…” dagdag pa ng Obispo.

Kasabay ng paggunita ng Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary o ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat ng Mahal na Birheng Maria sa Langit at Bisperas ng Kapistahan ni San Roque na Patron ng Diocese of Kalookan, inilaan ng diyosesis ang banal na misa bilang Solidarity Mass upang sama-sama ipanalangin ang mga Obispo, Pari, Relihiyoso’t Relihiyosa, at mga Layko na inuusig dahil sa kanilang pagpapahayag ng katotohanan lalu na para kay Bishop David at mga lingkod ng Simbahan na kabilang sa 36 na personalidad na sinampahan ng kasong sedisyon ng PNP-CIDG na may kaugnayan sa sinasabing planong destabilisasyon laban sa pamahalaan.

Pinangunahan ang Misa ni Kalookan Vicar General Fr. Jerome Cruz- rector ng San Roque Cathedral kung saan nakibahagi rin ang nasa 50 mga Pari ng diyosesis na gumagabay sa mahigit 1.2-milyong mananampalataya sa Diocese of Kalookan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,369 total views

 6,369 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,905 total views

 13,905 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,891 total views

 29,891 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,936 total views

 37,936 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 43,016 total views

 43,016 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 4,136 total views

 4,136 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 9,979 total views

 9,979 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas, panawagan ng mga Obispo

 11,110 total views

 11,110 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ang mga obispo ng Simbahang Katolika upang ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas kaugnay sa pilit na inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Bilang tugon sa patuloy na pag-igting ng tensyon na kinahaharap ng bansa partikular ng mga Pilipinong mangingisda at hukbong dagat

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nagpapasalamat sa pagkilala ng NHCP sa Cabanatuan cathedral

 8,531 total views

 8,531 total views Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Cabanatuan sa pagkilalang iginawad ng National Historical Commission of the Philippines sa St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o kilala bilang Cabanatuan Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Sa naganap na unveiling ng national historical marker sa katedral noong ika-14 ng Hunyo, 2024 ay ibinahagi

Read More »
photo source: Roman Catholic Diocese of Novaliches
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SCAD, ilulunsad sa Diocese of Novaliches

 15,624 total views

 15,624 total views Opisyal na ilulunsad Super Coalition Against Divorce (SCAD) na binubuo ng iba’t ibang mga grupo at institusyon ng Simbahan laban sa isinusulong na diborsyo sa Pilipinas. Halos isang buwan mula ng ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong ika-22 ng Mayo, 2024 ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill ay nagkaisa ang

Read More »
Photo Source: St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

National Historical marker, iginawad sa Cabanatuan cathedral

 14,615 total views

 14,615 total views Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o mas kilala bilang Cabanatuan Cathedral sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Pinangunahan ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa Cabanatuan Cathedral kung saan ang kumbento ng Simbahan ay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Namayapang biking Priest, hinahangaan ng CBCP President

 14,208 total views

 14,208 total views Nagpahayag ng paghanga at pagkilala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa naging makabuluhang buhay at adbokasiya ng namayapang si Redemptorist Father Amado “Picx” Picardal, CSsR. Sa Pastoral Visit On-Air sa Radyo Veritas ni Bishop David ay ibinahagi ng Obispo ang pakikidalamhati at pakikibahagi sa paghahatid

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese ng Malolos, naglabas ng pahayag laban sa Absolute Divorce Act

 14,935 total views

 14,935 total views Naglabas ng opisyal na pahayag ang Diyosesis ng Malolos patungkol sa panukalang batas na nagpapahintulot ng Absolute Divorce sa bansa. Sa pahayag ng diyosesis na may titulong ‘Pananagutan ang Pagmamahal’ ay binigyang diin ng Diyosesis ng Malolos na pinangangasiwaan ni Bishop Dennis Villarojo na mahalagang muling pagnilayan at suriin ang pagsasabatas ng diborsyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Arkidiyosesis at diyosesis sa bansa, hinimok na makiisa sa “prayer for peace and social transformation”

 27,182 total views

 27,182 total views Nanawagan ang Caritas Philippines sa bawat diyosesis sa Pilipinas na makibahagi sa ‘Prayer for Peace and Social Transformation’ bilang pakikiisa sa Good Governance Month na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, inaprubahan ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kapakanan ng PDLs

 27,518 total views

 27,518 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga bilangguan sa bansa na tutukan ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa gitna ng matinding init na nararanasan sa kasalukuyan. Ito ang kahilingan ni Military Ordinariate

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Walk for Life 2024, isasagawa sa Archdiocese of Palo

 28,059 total views

 28,059 total views Nakatakdang magsagawa ng lokal na Walk for Life 2024 ang Archdiocese of Palo at Palo Council of the Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay. Nakatakdang ang pagsasagawa ng gawain sa darating na Sabado, ika-27 ng Abril, 2024 ganap na alas-kuwatro ng madaling araw hanggang alas-otso

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

 31,693 total views

 31,693 total views Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma. Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pastoral fund outsourcing, inilunsad ng Prelatura ng Batanes

 31,258 total views

 31,258 total views Ibinahagi ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang isinasagawang pangangalap ng pondo ng Prelatura ng Batanes upang maisakatuparan ang mga programa ng Simbahan para sa mamamayan ng lalawigan. Sa programang pastoral visit on-air ni Bishop Ulep sa Radio Veritas ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang panibagong misyon na makapangalap ng pondo upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pahalagahan ang tinatamasang kalayaan ng Pilipinas, panawagan ni Bishop Santos Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang patuloy na alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nagpamalas ng kagitingan para sa kapakanan ng bansa.

 32,831 total views

 32,831 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng migrants ministry ng CBCP sa ika-82 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan. Ayon sa Obispo, naaangkop lamang na patuloy na pasalamatan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa karapatan at dignidad ng mga Pilipino lalo’t higit para sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, ipagdarasal ang kapakanan ng mga kababaihan

 34,865 total views

 34,865 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Abril. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, kaugnay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong buwan na inilaan para sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top