Ipanalangin ang mga lider ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 577 total reads

Mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Espiritu Santo sa lahat ng mga pinuno ng bansa upang ganap na magkaroon ng katarungan sa lipunan.

Ito ang ibinahagi ni Diocese of Kalookan Vicar General Rev. Fr. Jerome Cruz, Rector ng San Roque Cathedral sa isinagawang solidarity mass upang sama-samang ipanalangin ang mga Obispo, Pari, Relihiyoso’t Relihiyosa at mga Layko na inuusig dahil sa kanilang pagpapahayag ng katotohanan.

Ayon sa Pari, bahagi ng panalangin ng mga mananamapalataya ay ang paggabay ng Panginoon sa mga otoridad, hukom, prosecutors at sa iba pang mga nangangasiwa sa imbestigasyon sa kasong sedition laban sa 36 na mga personalidad sa sinasabing planong destabilisasyon laban sa pamahalaan.

“yung mga kahilingan ay very specific para sa katarungan, ipinapanalangin din natin ang pinuno ng bayan na ang biyaya ng Espiritu ay mapa-sa-ahat, sa lahat ng mga piskal, sa lahat ng mga judges, yung mga prosecutors, yung mga lahat ng nag-ha-handle ng kaso na hindi natin matatawaran ang kapangyarihan ng Diyos so ang panalangin ay yung kapangyarihan ng espiritu ay mapasa ating lahat…” pahayag ni Fr. Cruz sa panayam sa Radyo Veritas.

Pinangunahan ni Fr. Cruz ang naganap na solidarity mass sa San Roque Cathedral kung saan nakibahagi rin ang nasa 50 mga Pari ng diyosesis na gumagabay sa mahigit 1.2-milyong mananampalataya sa Diocese of Kalookan.

Isinagawa ang misa kasabay ng paggunita ng Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary o ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat ng Mahal na Birheng Maria sa Langit na siya ring Bisperas ng Kapistahan ni San Roque na Patron ng Diocese of Kalookan.

Matatandaang noong nakalipas na buwan ng Hulyo ay inilaan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang prayer intention ang pagkakaroon ng pangkalahatang katarungan kasama ang pagiging tapat sa tungkulin ng mga opisyal tulad ng mga hukom, mahistrado at iba pang mga nasa katungkulan kung saan nakasalalay ang pagkakaroon ng katarungang panlipunan.

Umaasa rin ang Santo Papa na hindi magtagumpay ang anumang uri ng kawalang katarungan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 22,056 total reads

 22,056 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 56,276 total reads

 56,276 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 92,758 total reads

 92,758 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 110,970 total reads

 110,970 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 194,127 total reads

 194,127 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top