Seguridad sa ordinasyon ng pinaka-batang Filipino Bishop,nakalatag na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 539 total reads

Handang-handa na ang Diocese of Ipil sa Zamboanga, Sibugay sa pagdiriwang ng ordinasyon ni Ilagan Bishop Elect Jose Rapadas sa darating na ika-20 ng Agosto, 2019, araw ng Martes.

Ayon kay Bishop-Elect Rapadas, inaasahang mahigit sa 20 Obispo ang dadalo sa pagtitipon, 200 mga Pari, at si Apostolic Nuncio to the Philippines Abp. Gabriele Giordano Caccia.

Tiniyak naman ng Obispo ang mahigpit na seguridad at mapayapang sitwasyon sa pagdaraos ng pagdiriwang.

“Dito sa Ipil, relatively wala namang problema dito sa peace and order although may mga committee din na yan din ang tinitingnan so handa naman yung aming sa security side ng aming pulis, sa Zamboanga palang may mga sasabay na para make sure na yung ating mga guests, lalo na yung mga VIP na safe sila sa pagparito at pag-uwi.” pahayag ni Bishop Rapadas sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, bukod sa pisikal na paghahanda sa pagdiriwang, tiniyak din ng Obispo ang kahandaan ng kan’yang kalooban at espirituwalidad.

Ayon kay Bishop Rapadas, dumaan siya sa isang retreat, kung saan mataimtim itong nagnilay, nanalangin at nakipag-usap sa Panginoon bilang paghahanda sa kan’yang pagiging isang pastol.

Aminado si Bishop Rapadas na isang malaking hamon para sa kan’ya ang maging Obispo lalo na ngayong dumaraan sa pagsubok at pag-uusig ang simbahan.

“I’ll be joining the ranks of the Bishops in this time in the Philippines na may experience tayo ng sort of persecution, itong nangyayaring case against some of our Bishops na they are accused of sedition, na actually ang gusto lang naman natin is continue to proclaim the truth and protect the sanctity of life,” pahayag ni Bishop Rapadas.

Ipinaliwanag nito na bagamat tungkulin ng mga pastol na gabayan at ipanalangin ang kanilang mga tupa, ay mahalaga din namang suportahan ng mga mananampalataya ang mga Obispo sa pamamagitan din ng pananalangin.

“Para sa ating mga faithful, I ask specially as I anticipate my ordination, we would like to ask for their prayers, not only for myself but for all our shepherds na kahit na nga yung mga shepherds they have the obligation to lead the flock, there are time na sila din kailangan din yung prayers ng kanilang mga sheep.” Dagdag pa ng Obispo.

Si Bishop Rapadas, 46 na taong gulang, ay hinirang ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang bagong Obispo ng Diocese of Iligan noong ika-13 ng Hunyo.

Magkakasunod ang magiging pagdiriwang sa simbahang katolika dahil sa mga hinirang at itatalagang Obispo sa iba’t-ibang diyosesis.

Matapos ang ordinasyon ni Bishop Rapadas, susundan ito ng pagtatalaga kay Bishop Dennis Villarojo sa Diocese of Malolos sa ika-21 ng Agosto, ang ordinasyon naman ni Novaliches Bishop Elect Roberto Gaa sa ika-22 ng buwan ay gaganapin sa Manila Cathedral, at ang pagtatalaga sa kan’ya sa Diocese of Novaliches ay sa ika-24 ng Agosto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,213 total reads

 59,213 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,309 total reads

 138,309 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,754 total reads

 171,754 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,052 total reads

 207,052 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,174 total reads

 431,174 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,856 total reads

 37,856 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,744 total reads

 30,744 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top