Mamamayan, hinamong ituloy ang paninindigan sa katotohanan at katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 511 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mamamayan na sumusuporta hindi lamang sa kanya kundi sa iba pang mga Obispo, Pari at Laiko na pinararatangan ng pakikisangkot sa oposisyon sa sinasabing destabilisasyon laban sa pamahalaan.

Ayon sa Obispo, mahalagang patuloy na manindigan sa tama at suportahan ng mamamayan ang mga ginigipit ng pamahalaan upang maipamalas ang pagkakaisa para sa pagkakaroon ng katarungan at kaayusan sa bansan.

Iginiit ni Bishop Bacani na nararapat na ipakita ng mamamayan ang hindi pangsang-ayon sa mga maling nagaganap upang mawakasan ang kawalan ng katarungan, kasinungalingan at karahasan sa lipunan.

“Nagpapasalamat kami at magpatuloy sila na mag-demonstrate ng support sa mga inaakala nila, sa mga Obispo at Pari at mga pinaparatangan ng hindi totoo. Ipakita sa gobyerno na nagrereact ang mga tao, kung baga, sobra na, tama na, tigilan na”.

Ang bahagi ng pahayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa panayam sa Radio Veritas.

Isa lamang si Bishop Bacani sa mga lingkod ng Simbahang Katolika na kabilang sa 36 na personalidad na sinampahan ng sedition case ng PNP-CIDG kasama sina CBCP Vice President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, Former CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Fr. Flaviano Villanueva, running priest Fr. Robert Reyes at Jesuit Priest na si Fr. Albert Alejo.

Ika-9 ng Agosto ng isinagawa ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kasong sedition, cyber libel, libel, harboring a criminal at obstruction of justice na isinampa ng PNP-CIDG laban sa 36 na mga personalidad na kilalang kritiko ng kasalukuyang administrasyong Duterte na ipagpapatuloy sa ika-6 ng Setyembre.

Samantala, bukod sa suporta mula sa iba pang mga Obispo at sa mismong Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ay opisyal na ring nagpahayag ng suporta at pakikiisa ang Sangguniang Layko ng Pilipinas, Association of Major Religious Superiors in the Philippines, Mother Butler Guild at ilan pang grupo ng mga mananamapalataya.

Read: Vatican foundation, tiniyak ang suporta sa mga inuusig na lingkod ng simbahan
Mother Butler Guild, magrorosaryo at mag-aayuno para sa mga inuusig na lider ng Simbahan
PCCRS, nagpahayag ng suporta sa mga inuusig na lider ng Simbahan
AMRSP, nanawagan sa nagkakaisang Simbahan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 61,285 total reads

 61,285 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 140,269 total reads

 140,269 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,714 total reads

 173,714 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,012 total reads

 209,012 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 433,074 total reads

 433,074 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top