Seguridad sa ordinasyon ng pinaka-batang Filipino Bishop,nakalatag na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 348 total views

Handang-handa na ang Diocese of Ipil sa Zamboanga, Sibugay sa pagdiriwang ng ordinasyon ni Ilagan Bishop Elect Jose Rapadas sa darating na ika-20 ng Agosto, 2019, araw ng Martes.

Ayon kay Bishop-Elect Rapadas, inaasahang mahigit sa 20 Obispo ang dadalo sa pagtitipon, 200 mga Pari, at si Apostolic Nuncio to the Philippines Abp. Gabriele Giordano Caccia.

Tiniyak naman ng Obispo ang mahigpit na seguridad at mapayapang sitwasyon sa pagdaraos ng pagdiriwang.

“Dito sa Ipil, relatively wala namang problema dito sa peace and order although may mga committee din na yan din ang tinitingnan so handa naman yung aming sa security side ng aming pulis, sa Zamboanga palang may mga sasabay na para make sure na yung ating mga guests, lalo na yung mga VIP na safe sila sa pagparito at pag-uwi.” pahayag ni Bishop Rapadas sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, bukod sa pisikal na paghahanda sa pagdiriwang, tiniyak din ng Obispo ang kahandaan ng kan’yang kalooban at espirituwalidad.

Ayon kay Bishop Rapadas, dumaan siya sa isang retreat, kung saan mataimtim itong nagnilay, nanalangin at nakipag-usap sa Panginoon bilang paghahanda sa kan’yang pagiging isang pastol.

Aminado si Bishop Rapadas na isang malaking hamon para sa kan’ya ang maging Obispo lalo na ngayong dumaraan sa pagsubok at pag-uusig ang simbahan.

“I’ll be joining the ranks of the Bishops in this time in the Philippines na may experience tayo ng sort of persecution, itong nangyayaring case against some of our Bishops na they are accused of sedition, na actually ang gusto lang naman natin is continue to proclaim the truth and protect the sanctity of life,” pahayag ni Bishop Rapadas.

Ipinaliwanag nito na bagamat tungkulin ng mga pastol na gabayan at ipanalangin ang kanilang mga tupa, ay mahalaga din namang suportahan ng mga mananampalataya ang mga Obispo sa pamamagitan din ng pananalangin.

“Para sa ating mga faithful, I ask specially as I anticipate my ordination, we would like to ask for their prayers, not only for myself but for all our shepherds na kahit na nga yung mga shepherds they have the obligation to lead the flock, there are time na sila din kailangan din yung prayers ng kanilang mga sheep.” Dagdag pa ng Obispo.

Si Bishop Rapadas, 46 na taong gulang, ay hinirang ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang bagong Obispo ng Diocese of Iligan noong ika-13 ng Hunyo.

Magkakasunod ang magiging pagdiriwang sa simbahang katolika dahil sa mga hinirang at itatalagang Obispo sa iba’t-ibang diyosesis.

Matapos ang ordinasyon ni Bishop Rapadas, susundan ito ng pagtatalaga kay Bishop Dennis Villarojo sa Diocese of Malolos sa ika-21 ng Agosto, ang ordinasyon naman ni Novaliches Bishop Elect Roberto Gaa sa ika-22 ng buwan ay gaganapin sa Manila Cathedral, at ang pagtatalaga sa kan’ya sa Diocese of Novaliches ay sa ika-24 ng Agosto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 7,553 total views

 7,553 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 34,009 total views

 34,009 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 84,693 total views

 84,693 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 90,501 total views

 90,501 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 119,177 total views

 119,177 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 322,676 total views

 322,676 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top