Stop violence and killings!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 292 total views

Napapanahon ng ipakita at maipamalas sa pamahalaan ang puwersa at pagkakaisa ng mamamayan laban sa paglaganap ng karahasan sa bansa lalo na sa Negros islands.

Ito ang panawagan at paanyaya sa taumbayan ni Dr. Marita Wasan – Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa nakatakdang paggunita ng National Day of Mourning sa ika-20 ng Agosto.

Sa nasabing araw, muling magkakaisa ang mga mananampalataya mula sa iba’t-ibang denominasyon upang itaguyod ang katotohanan, katarungan at kapayapaan sa bansa.

Ayon kay Wasan, mahalagang maipaabot sa mga otoridad at sa mga lider ng pamahalaan partikular na kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga hinaing at pangangailangan ng pagkalinga ng mamamayan ng Negros kung saan napakarami na ang namatay.

May titulo ang pagtitipon na Araw ng Pagluluksa at Paglaban upang maipagluksa at maipanalangin ang kaluluwa ng mga nasawi sa karahasan sa bansa partikular na ang nasa 87-indibidwal na naitalang nasawi sa Negros island.

Panawagan din sa araw ng pagluluksa ang pagpahinto sa karahasan, pagpaslang at pag-atake sa mga mamamayan kabilang na sa mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

“Inaanyayahan ko po kayo, ipakita po natin ang ating pagkakaisa, ang ating pwersa para nang sa ganun ay makarating sa ating Pangulo, sa ating mga leaders na nangangailangan ito ng kanilang pagtingin at pagkalinga para sa mga taga-Negros na simula pa noong 2017 ay napakarami ng namamatay, marami ng nagbubuwis ng buhay”. panawagan ni Wasan sa panayam sa Radio Veritas

Isang solidarity mass din isasagawa sa Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament o mas kilala bilang Sta. Cruz Church ganap na alas-dos ng hapon na pangungunahan ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez na siyang Chairman ng Ecumenical Bishops Forum na susundan ng mga programa at pagkilos sa Liwasang Bonifacio ganap na alas-tres ng hapon.

“Alam ko na ang ating pamahalaan ay may puso rin, ang ating mga kapulisan ay may damdamin din para sa ating mga kababayan, so ipakita po natin ang pwersa natin pumunta po tayo sa Sta. Cruz Church ikalawa ng hapon at tumuloy po tayo sa Liwasang Bonifacio na may kaunting programa para po sa ating lahat” pahayag ni Wasan.

Inaanyayahan ang mga dadalo sa pagkilos na magsuot ng itim na damit upang maipakita ang pakikibahagi sa pagdadalamhati at paninindigan laban sa nagaganap na karahasan, kaguluhan at kasinungalingan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 8,721 total views

 8,721 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 35,177 total views

 35,177 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 85,861 total views

 85,861 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 91,609 total views

 91,609 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 120,193 total views

 120,193 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top