St.John Paul II Diocesan Shrine, matatapos na ngayong taon.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 709 total reads

Umaasa ang Diocese of Balanga, Bataan na matatapos ngayong taon ang itinatayong Diocesan Shrine of Saint John Paul 2nd na sinimulan noong taong 2015.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, nasa 80-porsyento na ang natatapos sa Pang Diyosesis na Dambana na inilaan para sa Santo na dalawang beses na bumisita sa bansa noong 1981 at 1995.

Pagbabahagi ng Obispo, nasa pangangalaga na ng diyosesis ang first class relic ni Saint Pope John Paul the 2nd na ipinagkaloob mismo ng Archdiocese of Krakow, Poland sa pamamagitan ni Archbishop Stanislaw Cardinal Dziwisz.

“With God’s graces we are praying and hoping that our Diocesan Shrine of Saint John Paul II will be finished by the end of this year. We are 80% completed. We have here a first class relic of Saint Pope John Paul II specifically given to us by the Archdiocese of Krakow thru HE Stanislaw Cardinal Dziwisz.” pahayag ni Bishop Santos.

Isinagawa ang groundbreaking rites ng Diocesan Shrine of Saint John Paul 2nd noong March 17, 2015 kasabay ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag sa Diocese of Balanga.

Bukod sa pagsisilbing panibagong lugar dalanginan ay layunin rin ng Diocesan Shrine ni Saint John Paul 2nd na maging daan para sa religious formation at cultural renewal ng mga mananampalataya at debotong bibisita sa lugar.

Ang panibagong pang-diyosesis na dambana ay matatagpuan sa Barangay Culis, Hermosa, Bataan na magsisilbi ring pangalawang dambana sa diyosesis na inilaan kay Saint Pope John Paul the 2nd.

May 2011 ng pinasinayaan ng diyosesis ang Morong Shrine o ang Blessed John Paul II Memorial Shrine sa dating Philippine Refugee Processing Center (PRPC) na isa sa mga lugar na binisita ni Pope John Paul the 2nd sa kanyang unang pagbisita sa Pilipinas noong 1981.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 118,309 total reads

 118,309 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 255,866 total reads

 255,866 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 371,642 total reads

 371,642 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,352 total reads

 487,352 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top