Martial law horrors, alalahanin sa misa na pangungunahan ni Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 664 total reads

Pangungunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – Vice President ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines ang banal na Misa sa paggunita ng ika-47-anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ang Banal na Misa ay bahagi ng Martial Law commemoration na may titulong “Sambayanihan: Pag-alaala, Panalangin, Pagpiglas” sa ika-21 ng Setyembre.

Bago ang Misa ay ang paghahandog ng cultural presentation at pagbabalik tanaw sa naging kasaysayan ng Pilipinas sa ilalim ng Martial Law.

Tampok rin sa gawain ang pagbabahagi ng karanasan ng ilang mga kilalang Martial Law personalities at maging ng mga kasalukuyang human rights defenders mula sa iba’t-ibang sektor na nagsusulong sa sectoral at environmental rights laban sa authoritarian rule ng kasalukuyan administrasyon.

Isusulong sa pagtitipon ang pagbibigay halaga sa demokrasya laban sa political repression, militarization, extra-judicial killings, paglaganap ng kahirapan at soberenya sa teritoryo ng bansa.

“Titled: “Sambayanihan: Pag ala ala, Panalangin, Pagpiglas”, the event is a one and half hour cultural presentation featuring personalities from the Martial Law years of the 1970s and the current batch of human rights defenders fighting for sectoral and environmental rights and against authoritarian rule. The groups will call for the protection of democracy and sovereignty against the assault of political repression, militarization, extra judicial execution, unrelenting poverty and the violation of territorial integrity.” panawagan ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA).

Isasagawa ang Banal na Misa sa Christ the King Mission Seminary ganap na alas-kwatro y medya ng hapon na susundan naman ng Candle Lighting upang ipanalangin at ipanawagan na mawakasan na ang karahasan at paglabag sa karapatang pantao.

The program will be on September 21, 2019 (Saturday) at 3:00pm at the Christ the King Mission Seminary Covered Court, at 101 E. Rodriguez Sr. Blvd Quezon City. Timeframe: 3:00- 4:30 pm SAMBAYANIHAN 4:30- 5:30 pm Mass by Bishop Pablo Virgilio David, D.D. , Bishop of Caloocan; Vice Chair, CBCP 5:30- 6:30 pm Call to Action and Launch of the #EndTheAssault campaign for Human Rights Defenders – Candle lighting, Manifesto signing.

Batay sa tala sa ilalim ng Martial Law na tumagal ng 14 na taon, umaabot sa 3,000 ang sinasabing pinaslang habang mahigit sa 75-libong indibidwal naman ang nalabag ang karapatang pantao dahil sa hindi pag-sangayon sa patakaran ng Administrasyong Marcos.

Nagwakas ang rehimeng Marcos at Martial Law na tumagal ng 14 na taon sa pamamagitan ng mapayapang EDSA People Power Revolution noong taong 1986 na naging inspirasyon ng iba’t ibang bansa upang isulong ang kani-kanilang kasarinlan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pananalangin sa halip na dahas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 6,472 total reads

 6,472 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 93,419 total reads

 93,419 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 130,792 total reads

 130,792 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 162,053 total reads

 162,053 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 234,550 total reads

 234,550 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 31,960 total reads

 31,960 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top