Kalakalan ng droga, talamak pa rin sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 615 total views

Puspusan pa rin ang pakikibahagi at pagtugon ng Simbahan sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Ito ang tiniyak ni Order of Carmilites Justice and Peace Convenor Rev. Fr. Gilbert Billena kaugnay sa pagtugon ng Simbahan sa kampanya ng pamahalaan na tinaguriang War on Drugs.

Gayunpaman nilinaw ng Pari na community based drug rehabilitation program ang paraan ng pagtugon ng Simbahan sa naturang programa na taliwas sa marahas na pamamaraan ng pamahalaan na libu-libong small time drug users at pushers ang napatay.

“Simbahan ay tumutulong tayo gayundin sa aming parokya tumutulong tayo sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng community based drug rehabilitation program, isa yan sa mga paraan na tinutugunan natin ang War on Drugs sa makataong paraan hindi dun sa approach na magba-violent ng karapatang pantao…” pahayag ni Fr. Billena sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang nilinaw ng Pari na hindi sinasalamin ng pinakahuling SWS survey ang katotohanan na lalong naging talamak ang kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa ilang mga kumunidad dahil sa hindi pagkakadakip sa mga drug lords na pinagmumulan ng supply nito.

Batay sa resulta ng SWS survey nakakuha ng positive 70 o excellent net satisfaction rating ang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga kung saan 82-porsyento ng mga Filipino ang nagsabing kontento sila sa paraan ng pagsugpo ng administrasyong Duterte sa ipinagbabawal na gamot habang 12-porsyento naman ang hindi nasisiyahan at anim na porsyento ang nag-aalinlangan.

Inihalintulad naman ng Kanyang Kabanalan Francisco na bagong uri ng pang-aalipin ang drug addiction na dapat tugunan ng bawat bansa sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon.

Inilarawan ni Pope Francis na ang mga lulong sa droga ay mga biktima na nawalan ng kalayaan dahil sa pang-aalipin ng ipinagbabawal na gamot.

Sa kasalukuyan mayroong ibat-ibang drug rehab program ang maraming Diocese at Archdiocese ng Simbahang Katolika sa Pilipinas tulad ng Sanlakbay ng Archdiocese of Manila.

Nagkaroon naman ng lamat ang war on drugs ng administrasyong Duterte matapos mabunyag sa Senado ang recycling ng mga nakukumpiskang droga na kinasasangkutan ng mga ninja cops maging ng pinuno ng pambansang pulisya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 53,916 total views

 53,916 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 53,916 total views

 53,916 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 53,916 total views

 53,916 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 52,283 total views

 52,283 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 47,759 total views

 47,759 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top