“Red tag list” ng DND, pinuna ng Obispo.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 580 total reads

Dismayado ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa inilibas na listahan ng Department of National Defense (DND) na talaan ng mga church based group at maging mga international institution na sinasabing sumusuporta sa mga komunista.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, taliwas sa bintang ng defense department na ang mga grupong ito ay tumutulong hindi sa mga komunista kundi sa mga mamamayan ng bansa na nangangailangan.

“At kasama doon ang mga international groups na tumutulong daw sa mga komunista. Pero sa totoo kung titingnan natin ang mga grupong ito ay hindi tumutulong sa mga komunista kundi tumutulong sa mga taong nangangailangan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Iginiit ng Obispo na ang pagtulong ay hindi lamang ‘dole out’ kundi kabilang na dito ang pag-oorganisa at pagiging katuwang ng mga manggagawa, katutubo at pamayanan para magturo at magbigay ng kaalaman na manindigan sa kanilang mga karapatan.

Ilan sa kabilang sa red tag list ang Social Action Center ng Kalibo, National Council of Churches in the Philippines o samahan ng mga simbahan ng mga protestante; ang Caritas Australia; Caritas Austria; Caritas Belgium; Caritas Switzerland; Save the Children Foundation; Bread for the World, Oxfam at Church of Sweden Mission. “Yang (SAC Kalibo) ay tumutulong sa mga magsasaka, sa mga tinamaan ng bagyong Yolanda,” giit pa ni Bishop Pabillo.

Tinukoy din ni Bishop Pabillo ang mga ipinasarang Lumad schools sa Mindanao na hindi naman naabot ng Department of Education para sa edukasyon ng mga katutubo.

Oktubre ng kasalukuyang taon, umaabot sa 55 Lumad schools sa Davao ang ipinasara ng gobyerno dahil sa red tagging kung saan sinasabing dito isinasagawa ang indoctrination ng mga komunistang grupo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 21,728 total reads

 21,728 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 107,302 total reads

 107,302 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 144,674 total reads

 144,674 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 175,934 total reads

 175,934 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 247,807 total reads

 247,807 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top