Kamangmangan ang maling paggamit ng karunungan -Cardinal Tagle.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,031 total reads

Paigtingin ang pagtutulungan alang-alang sa paglilingkod sa Panginoon.

Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng ika-60 taong anibersaryo ng Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association.

Binigyang diin ng Kardinal na kinakailangang pananampalataya ang maging ugat ng lahat ng bagay dahil kung wala ito ay mawawalan din ng saysay ang mga ginagawa ng tao.

Inihalimbawa niya ang paggamit ng teknolohiya na makapangyarihang impluwensya lalo na sa mga kabataan.

Aniya, ang maling paggamit nito ay maaaring makapatay ng tao, at kung wala ang Diyos, anu mang karunungan na magmumula dito ay maituturing lamang na kamangmangan.

“Grabe ha, yung technology n’yan gagamitin para patayin ang tao. Hindi na kailanangan minsan ng baril, kailangan lang ang karunungan mo sa paggamit ng mga ganyang gadgets at pwede kang pumatay. E, ‘di ba yan ay para sana sa sharing of knowledge, of information pero ‘pag nakalimutan ang Diyos lahat yan ay karunungan na umuuwi sa pinakamalalim na kamangmangan.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Dahil dito, ipinaalala ni Cardinal Tagle ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pagkaka-isa at pagpapaigting ng pagtutulungan ng lahat ng mga paaralan, lalo na ang mga Archdiocesan at Parochial Schools.

Aniya, ang mga ito ay may iisang mithiin na mahubog ng mabuti ang pag-uugali at kaalaman ng mga mag-aaral.

Kaya naman umaasa siya na sa ika-60 taong anibersaryo ng MAPSA ay mapalalakas pa nito ang mga programa para sa mga mag-aaral.

“Sana sa pamamagitan ng MAPSA, tayong lahat ay magkatulung-tulong, mabuklod sa iisang misyon. Kapag pinagsama-sama natin ang ating mga Catholic schools at tayo’y kumilos ng sama-sama , ng may pananampalataya at may misyon, tinanggap kay Hesus at misyon para sa lipunan, napakalaking ambag ito… Sabi ni Pope Francis, synodality, walking together because we have only one mission, we have only one humanity to serve and here we have one nation and we have one common home, our earth to take care of.” Pahayag pa ni Cardinal Tagle.

Sa kabuuan ang MAPSA ay mayroon nang 118 school members sa buong Pilipinas na nagmula sa 10 mga Diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 33,076 total reads

 33,076 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 69,116 total reads

 69,116 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 295,386 total reads

 295,386 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 188,853 total reads

 188,853 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 281,135 total reads

 281,135 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,032 total reads

 35,032 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,925 total reads

 27,925 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top