Cardinal Tagle, naantig sa epekto ng broken family sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 937 total reads

Ang pamilya ang pinagmumulan ng ligaya at unang sumusugat sa puso ng tao.

Ito ang paalala ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa ikaapat na Usapang Totoo at Katoto o UTAK ng Manila Archdiocesan Commission on Youth, noong ika-16 ng Nobyembre.

Inilahad ng ilang kabataan sa UTAK ang kanilang karanasan kung paano gumuho ang kanilang mundo at perpektong pagtingin sa pamilya nang maghiwalay ang kanilang mga magulang.

Labis na naantig ang damdamin ni Cardinal Tagle sa pinagdaanan ng mga kabataan.

Dahil dito, pinaalalahanan niya ang mga mag-asawa, at magulang na laging isaalang-alang ang kanilang mga anak.

Pinayuhan ng Kardinal ang mga mag-asawa na hindi dapat maging makasarili at iniisip lamang ang kanilang kagustuhan sa pakikipaghiwalay at hindi isinaalang-alang ang panghabangbuhay na epekto nito sa mga anak.

“Gaano kahalaga ang pamilya? Ang pamilya ang pinagmumulan ng ligaya at lakas, at pamilya din ang unang nagsusugat sa puso ng tao… minsan nagdedesisyon ang mag-asawa ang iniisip lang nila ang kanilang sarili. Nakakalimutan na merong naaapektuhan for life.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Tiniyak naman ni Cardinal Tagle sa mga kabataan na laging alalahanin na mayroong malaking pamilya na handang tumanggap at magmahal sa kanila.

Sinabi ng Kardinal na ang Simbahan na pamilya ni Hesus ay hindi dapat ituring na substitute o panghalili lamang.

Aniya ito ay tunay, dahil ito ay isang pamilya na nakaugat sa Panginoon.

“Yung laging nangangamba, ako kaya ay mamahalin? ako kaya ay iiwan? Huwag kayong mawalan ng pag-asa mayroong malaking pamilya na pwedeng sumalo. Sa inyong tatlo, lagi kayong may pamilya, ang pamilya ni Hesus. At yun ay hindi substitute sa inyong nanay, tatay, pero tunay na pamilya pa rin kayo dahil naka ugat sa Panginoong Hesukristo.”pagtiyak ni Cardinal Tagle

Sa mga nakalipas na pagdaraos ng UTAK ng ACY, malimit na lumalabas na suliranin ng mga kabataan ang hindi maayos na kalagayan ng kanilang pamilya.

Dahil dito, pinaiigting ng simbahan ang mga programa upang magabayan ang bawat kabataan na hindi maligaw ng landas sa kabila ng kaguluhan sa kanilang pamilya o tahanan.

Bukod dito, misyon din ng simbahan na lalo pang mapalakas at mapagtibay ang mga pamilyang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 31,140 total reads

 31,140 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 67,262 total reads

 67,262 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 293,532 total reads

 293,532 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 186,999 total reads

 186,999 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 279,386 total reads

 279,386 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,006 total reads

 35,006 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,899 total reads

 27,899 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top