OFW’s sa Thailand, hinimok na huwag sayangin ang pagkakataong makasalamuha ang Santo Papa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 374 total reads

Hinimok ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mga Overseas Filipino Worker sa Thailand na makiisa sa mainit na pagtanggap ng mamamayan sa pagdalaw ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ayon kay Bishop Mallari, isang biyaya ito sa pananampalatayang Katoliko na makasalamuha ang pinunong pastol ng simbahan at madama ang presensya ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan.

“Isang biyaya na makiisa tayo, nasisiguro ko na ito ay magbibigay sa ating lahat ng mga biyaya na makatutulong sa ating kabanalan,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Si Bishop Mallari ay dadalo sa tatlong araw na Apostolic trip ni Pope Francis sa Thailand bilang bahagi ng Federation of Asian Bihsops’ Conference (FABC) na nakatakdang makipagpulong sa Santo Papa.

Sa panayam ng Radio Veritas, una nang hinimok ni Bangkok Archbishop Francis – Xavier Kriengsak Kovithanij ang halos 20, 000 migranteng Filipino sa Thailand na makiisa sa mga pagtitipon lalo na ang Banal na Misa na gaganapin sa National Stadium sa Bangkok sa ika – 21 ng Nobyembre.

Ayon sa Arsobispo, ang pagbisita ni Pope Francis ay nagpapatunay na kumikilos ang Simbahan sa paglingap sa mamamayang nangangailangan ng kalingang espiritwal at mga hakbang tungo sa pagkamit ng pandaigdigang kapayapaan at pagkabubuklod buklod ng mga pamayanan.

Hamon ni Bishop Mallari sa mga Filipino sa Thailand na samantalahin ang panahong bibisita ang Santo Papa sa nasabing bansa mula ika – 20 hanggang 23 ng Nobyembre.

“Huwag nating sayangin ang gintong pagkakataon,” saad pa ni Bishop Mallari

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 8,858 total reads

 8,858 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 95,632 total reads

 95,632 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 133,005 total reads

 133,005 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 164,266 total reads

 164,266 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 236,650 total reads

 236,650 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top