Climate justice, panawagan sa COP25

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 387 total views

Hustisyang pangklima ang panawagan ng mga makakalikasang grupo sa pamahalaan ngayong nalalapit na ang pagdaraos ng United Nations Climate Change Conference of Parties COP25.

Nagsagawa ng Global Climate Strike ang iba’t-ibang makakalikasang grupo, kasama ang mga kinatawan ng simbahan sa Lapu-Lapu Monument, Luneta Park noong ika-29 ng Nobyembre, upang bigyang diin ang panawagan at protestang ito sa pamahalaan.

Ayon kay Naderev Saño, Executive Director ng Greenpeace South East Asia, kinakailangang seryosohin ng pinuno ng bawat bansa ang climate change o climate emergency dahil apektado nito ang maraming mamamayan sa iba’t-ibang panig ng mundo.

“Itong Global Climate Strike ay pagpapakita ng lakas ng sambayanan at isang pagpapahayag sa mga namumuno ng mga bansa at sa mga korporasyon na responsible sa krisis ng klima na kailangan nilang seryosohin itong problema na ito and this is a matter of life and death sa Filipinos.” Pahayag ni Saño sa Radyo Veritas.

Inihayag ni Saño na ang paparating na bagyong Tisoy sa Pilipinas ay epekto na ng malalang kalagayan ng klima sa mundo.

Iginiit nito na out of season ang bagyong Tisoy sa buwan ng Disyembre at hindi inaasahan ang pagdating nito sa bansa ngayong ginaganap dito ang South East Asian Games.

Umaasa naman si Sano na magiging hudyat ang bagyong Tisoy upang seryosong harapin ng mga lider ng bansa sa South East Asia ang problema sa klima ng mundo.

“Ang bagyong Tisoy ay out of season, hindi natin inaasahan ang super typhoon sa panahon ng Disyembre at lalo na ngayong isinasagawa ang SEA Games. Isa itong pagpapatunay na kinakaharap natin itong problema natin sa Climate Change at sana maging hudyat ito sa mga liderato ng South East Asian countries na mabigyang pansin itong problema ng climate change at lalong palakasin itong boses ng South East Asia”, Dagdag pa ni Saño.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 204,415 total views

 204,415 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 234,638 total views

 234,638 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 261,283 total views

 261,283 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 356,256 total views

 356,256 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 363,934 total views

 363,934 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 346,591 total views

 346,591 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top